Sunday , November 24 2024

TFC, wagi sa 52nd Anvil Awards para sa kampanyang #Vote4ASelfieWorthyPH

MATAPOS maitala ang 2016 elections na may pinakamaraming bilang ng registrants at voters noong 2015 at 2016, patuloy pa ring lumilikha ng kasaysayan ang kampanya para sa overseas voting (OV), partikular na ang The Filipino Channel (TFC). Muling ginawaran ang premyadong network ng Anvil Award para sa ikalawang kampanya na layuning hikayatin ang mga overseas Filipino (OF) na makilahok sa eleksiyon, ang #Vote4ASelfieWorthyPH, sa katatapos na 52nd Anvil Awards.

Unang nanalo ang TFC ng Silver Anvil para sa kampanya nitong “Boto Mo, Kinabukasan ng Bawat Pilipino” noong 2014 para sa isa sa pinakamahusay na PR programs na isinagawa sa isang specific stakeholder, partikular ang OFs.

Ngayong 2016, mula sa 402 entries na isinumite para sa naturang kategorya, wagi ng Gold Anvil ang #Vote4ASelfieWorthyPH dahil sa pagsasakatuparan nito ng layuning muling hikayatin ang OFs na magrehistro at bumoto para sa mga susunod na mamumuno na iginawad ng presitihiyosong Public Relations Society of the Philippines (PRSP).

Ayon kay Anvil Awards Committee Chairman Rochelle Gamboa, pinili ang mga nanalo ng isang 33-member jury mula sa public at private sectors na kinabibilangan ng Accredited Public Relations (APR) professionals at executives, pati government officers, para sa kanilang programang makabuluhan ang layunin at nakamit sa pamamagitan ng epektibong PR campaign.

Para isakatuparan ang kampanya, umangkla ang kampanya sa hilig ng mga Pinoy na mag-selfie at gamitin ito para ipakita ang realidad na marami pang dapat baguhin, at may kakayanan silang baguhin ito sa pamamagitan ng pagboto.

Ipinahayag ng ABS-CBN Global Head of Corporate Affairs & PR Nerissa Fernandez na ang kampanya ay naging bahagi ng public service ng TFC. “Since the registration and national elections in 2012 and 2013, TFC has been partners with DFA – OVS and COMELEC OFOV and we continued this tie-up for the 2015 registration and the 2016 Presidential elections because we believe that the overseas Filipino vote can positively impact the Philippine electoral landscape.

“#Vote4ASelfieWorthyPH recognizes the OF voters and their major role as catalysts for meaningful change. The Anvil Award validates the importance of the work and passion that our team puts into inspiring our kababayans with the help of other Kapamilya teams and stars.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *