AMINADO ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa na kontrobersiyal ang latest movie niya titled Bubog (Crystals). Daring ang papel niya rito bilang si Lola Ganda na nagtutulak ng droga.
“It is, it is. Kaya nga sabi ko, despite everything that happened before, kahit gaano kakontrobersiyal, sulit na sulit nang mailabas, nang mabuo,” saad ni Ms. Elizabeth ukol sa kanilang movie.
Nabanggit din ni Ms. Elizabeth na daring ang papel niya rito at ginawa niya iyon para sa director ng movie na si Direk Arlyn dela Cruz. “Oo, oo, medyo, hindi na ko gumagawa ng ganoon e, pero for Arlyn ginawa ko iyon. Daring, oo, malaswa ako rito, ‘di ba, lahat ng letter P (P I.), sinabi ko, ‘yun na nga letter p at p at p pa uli,” natatawang saad niya.
May nag-comment sa premiere night nito na mala-Duterte raw ang tema nito?
Sagot niya, “Oo nga, e ano naman talaga, ganoon naman talaga ‘yung script na nabasa ko e, hindi naman puwedeng hindi ko sundin. Kung mayroon mang similarities, there’s nothing we can do about it. I mean, it’s up to the interpretation of the public that will be watching. Kanya-kanyang interpretation ‘yan, parang feedback.”
Masasabi n’yo po bang makabuluhan ang movie na ito at napapanahon? “Number- 1, napapanahon talaga. Number-2, napakamakabuluhan dahil nakikita mo ‘yung tunay na sitwasyon ng mga nangyayari sa buong society ng Filipinas. Makikita mo ‘yung rankings, para nga raw pyramid. Nakatutuwa, ako rin shocked na shocked noong makita ko ‘yung kabuuan ng pelikula.”
Ire-recommend n’yo po ba sa mga Pro-Duterte ang Bubog? “Oo, of course, of course. Makatotohanan itong pelikula na ito, kung maunawaan nila kung ano ang nilalaman talaga.”
Makikita sa pelikulang Bubog ang talamak na problema sa droga na pinipilit solusyonan ng kapapasok na bagong administrasyon.
Ang Bubog ay mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Sycon. Ito’y tinatampukan din nina Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Kiko Matos, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, Jenina Sy, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio