NAGING matagumpay ang katatapos na 1st anniversary ng isa sa most promising boy group sa bansa, ang X3M na kinabibilangan nina Juancho Ponce, Velmore Ebarle, at Ericson Suratos na ginanap sa Starmall Edsa/Shaw at hatid ng Ysa Skin and Body Experts, New Placenta at Zensure Essentials Phil. Inc. Hosted by Jana Chu Chu ng DZBB 594.
At kahit nga bago pa lang sa industriya ang X3M, mayroon na itong dalawang endorsement, ang Ysa Skin and Body Experts at RMES Salon. Kaya naman nagpapasalamat ang mga ito kina Sheila Nazal at Anne Navarro.
Naging espesyal na panauhin ng X3M ang grupong Generation 6, Jeka Duran,Jam Morales, at Ron Mclean.
MATABIL – John Fontanilla