Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, wish maka-duet si Janella

MULA nang mapanood ni L.A. Santos sa pelikulang Haunted House si Janella Salvador, naging crush na n’ya ito. Ito ang sinabi sa amin ng 17 year old singer sa presscon ng launching ng kanyang self-titled album last sa Oriental Palace.

Looking forward nga siya sa posibilidad na maka-duet ang crush sa kanyang next album. ‘Di pa niya ito nami-meet pero sana ay dumating ang pagkakatong ito.

Kung ano ang pakiramdam niya sa bagong album, sey niya, “It’s a dream come true for me na magkaroon ng album. Dati kumakanta-kanta lang ako. ‘Di ko na-imagine na magiging singer ako. I want to give my best now. As a singer gusto kong maiba. I will not just sing but I want to compose songs.”

Dinaluhan ang nasabing launching  ng pamilya ng singer at Star Music people sa pangunguna nina Jonathan Manalo, Roxy Santos, Ian Reyno, mga composer na sina Garth Garcia at Joel Mendoza na siya ring album producer.

Ang kabuuan ng album ay galing sa komposisyon ng ilang batikang songwriters at awitin ng sikat na mang-aawit, tulad nina Vehnee A. Saturno  (Forever’s Not Enough), Jonathan Manalo (Tinamaan),  Bruno Mars & Co. (When I Was Your Man), Garry Cruz (Miss Terror at Ikaw Kasi), Garth Garcia (Mine at Bakit Ang Pag-Ibig), at Joel Mendoza (Hanggang Kailan ag One Greatest Love).

Ipinakita rin sa unang pagkakataon ang MTV ni LA, ang One Greatest Love na tribute sa mga inang nagmamahal sa kanilang mga anak tulad ng ina ng singer na si Flor Brioso-Santos na hindi sumuko sa pangarap ng anak.

YUN NA – Mildred A. Bacud

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mildred Bacud

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …