Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JUNE 14, 2014 Boots Anson Roa and Atty. King Rodrigo wedding at Bishop's Palace in Mandaluyong. INQUIRER PHOTO / JILSON SECKLER TIU

Tita Boots, may ‘sugar daddy’ sa katauhan ni Atty. Rodrigo

NAKATAGPO ng “sugar daddy” si Ms. Boots Anson-Roa sa pinakasalang si Atty. King Rodrigo!

Bago kami hantingin o sampahan ng kasong libelo ng respetadong aktres, pahintulutan n’yong i-qualify namin ang tsikang ito.

Kamakailan ay nagdaos sa Mowelfund grounds ng isang mahalagang okasyon para sa mga miyembro nito. Si Tita Boots ang tumatayong Trustee at President ng 43-anyos nang foundation na ito na itinatag noong mayor pa ng San Juan ang ngayo’y Manila City Mayor Erap Estrada.

Ang ikinabubuhay ng Mowelfund ay nagmumula sa ilang porsiyento mula sa kinikita ng taunang Metro Manila Film Festival, the rest ay galing na sa mga generous donations ng mga taga-industriya ng pelikula.

Ever since, natutugunan ng Mowelfund ang mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro, mula sa pagpapaospital, pagpapa-aral sa kanilang mga scholar hanggang sa pagpapalibing ng mga ito.

Ewan kung anong mahika ang ginagawa ni Tita Boots (katuwang din ang Chairperson na si Manay Ichu Vera Perez-Maceda) para gampanan ang lahat ng ito samantalang mayroon din siyang sariling buhay na kailangang intindihin.

Once nga’y “nakagalitan” sila ni Erap kung bakit kailangan nilang maglabas ni Manay Ichu ng sariling pera mula sa kanilang bulsa.

Dumating na kasi sa point—and here’s the “sugar daddy” angle—na pati pala ang mamahaling piece of art na nananahimik na nakasabit sa dingding ng bahay nila ni Atty. King ay idinoneyt pa ni Tita Boots para sa isang recent fund-raising project ng Mowelfund.

Ganoon nga ka-dedicated ang isang Tita Boots na bukod sa napakahusay na aktres ay may malasakit sa mga maliliit na manggagawa ng pelikulang Filipino.

Mabuhay po kayo, Tita Boots!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …