NAGHAIN si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ng panukalang batas para sa muling pag-liban ng pangbarangay na halalan, na nakatakda dapat sa Oktubre ng taon kasalukuyan.
Sa ilalim ng House Bill 5359, sinabi ni Barbers, mahalagang matanggal sa kani-kanilang puwesto ang barangay officials na sangkot sa ilegal na droga.
Binigyan-diin ni Barbers ang importansya nang ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagsupil sa problema sa ilegal na droga simula sa grass roots level.
Nakasaad sa panukala na sa 2020 na lamang idaos ang barangay at Sangguniang Pangkabataan (SK) elections.