Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

No Angel, No Darna: Walk for Angel rally, ikakasa sa Marso 31

MATINDI ito. Akala namin matapos na gumawa ng announcement na hindi na si Angel Locsin ang lalabas na Darna, at sinabi naman ng aktres na sinikap niya pero mukhang hindi na nga kaya, aba eh umalma ang fans hindi lamang ni Angel kundi ang mga follower ng Darna talaga. Kasi nga natatakot sila na baka kung sino lang starlet ang palabasing Darna.

Maging iyong mga Vilmanian, na ang claim ay si Ate Vi nga ang pinakamahusay na Darna, dahil hindi lamang isa kundi apat na Darna ang kanyang nagawa at lahat ay naging mga blockbuster at nasabing hindi nga naman maaaring kung sino lang ang pagawain nila ng role na iyon.

Ang mas nagulat kami, may nagkakasa ng isang rally sa Biyernes, Marso 31, na tinatawag nilang “Walk for Angel” at kumakalat na iyan sa social media. Nananawagan sila sa lahat ng fans ni Angel, at fans din ng Darna na sumama sa kanilang protesta. Maglalakad sila mula sa GMA 7 sa EDSA hanggang sa ABS-CBN. Kaya nga lang magsisimula sila ng 12:00 ng tanghali eh kainitan iyan ng araw.

Pero matindi ang panawagan nila na sinasabi nilang, “No Angel, No Darna”. Kasi nga matagal nang ipinangako iyan sa kanila. Matagal din silang naghintay, tapos ngayon bigla na lang sasabihin na hindi na si Angel ang Darna, “at sino namang starlet ang ipapalit nila?” ang tanong pa ng mga magra-rally.

Actually kasi may point naman sila. Kasi kung talagang gugustuhin, hindi talaga dahilan iyong kalagayan niyong problema ni Angel sa kanyang spine para sabihing hindi na niya magagawa ang Darna. Sa panahong ito na napaka-moderno na ng computer generating image, at makabagong optical, baka hindi naman kailangan ni Angel na magtatalon sa pelikula.

Ang sinasabi pa nila, mahabang panahon na nagsanay si Angel sa gym, hindi lamang para pagandahin ang katawan niya kundi para ihanda ang sarili physically para sa role na iyon, tapos nga naman bigla na lang sasabihing hindi na pala siya ang lalabas. At iyan ay matapos na may madulas na nagsabing inialok sa kanya iyong Darna noong pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Palagay namin mali kasi ang timing niyong announcement eh. Kasi matapos mag-leak na may inalok silang mag-Darna at saka naman lumabas iyong announcement nila kay Angel.

Ewan kung ilan iyang magra-rally na iyan sa tindi ng init ng araw. Titingnan namin sa Biyernes kung marami nga sila. Malamang hindi iyan mapapanood sa GMA 7 dahil ABS-CBN project iyan. Malamang hindi rin iyan ilalabas ng ABS-CBN dahil laban sa kanila iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …