Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel de Leon, tiyak mangangabog sa Binibining Pilipinas 2017

BY now ay tiyak na nakaliskisan na ng ating mga kababayan ang 40 official candidates na maglalaban-laban sa Binibining Pilipinas 2017.

Compared to the recent years, mukhang walang itulak-kabigin sa batch this year. Almost all of them are winnable bets kaya for sure ay mahihirapan ang mga hurado.

Candidate number 15 si Maria Angelica o Mariel de Leon na anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Ito ang kanyang ikalawang pagsali sa naturang timpalak.

Mariel lost the first time she joined. That time kasi ay neneng-nene pa ang dating niya. Sa kanyang photo in swimsuit now, lutang na lutang na ang kanyang curves. Walang duda, malaki ang in-improve ng kanyang figure.

Eh, ano naman kung in competition na naman si Mariel? Bakit si Pia Alonzo Wurtzbach, hindi ba’t nakatatlong sali before she bagged the Binibining Pilipinas crown?

‘Yun nga lang, natapat si Mariel sa batch with the most number of potential title holders. Wala pa yata—in our assessment—sa lima ang mukhang uuwing luhaan sa coronation night.

Pero may bentahe na agad si Mariel, being the daughter of one of the country’s finest acting couples.

Matatandaang Mariel worked as a part-time actress (best friend ng bida) in a Viva-produced teleserye on TV5 last year. Medyo may flabs pa rin siya noon.

Well, abangan na lang natin kung mangangabog si Mariel in her second bid this year. Good luck, Mariel!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …