Friday , November 15 2024

Pres. Digong estadista sa gawa, hindi sa salita

00 Kalampag percyALLERGIC si Pres. Rodrigo R. Duterte sa kung ano-anong mga titulo, ‘di tulad ng ibang politiko na masiba sa karangalan.

Ang matawag na statesman o estadista ay tatak na nababagay lamang itawag sa isang tunay na mahusay at matinong lider.

At ang pagiging estadista ay sa gawa lamang napatutunayan, hindi sa pananalita.

Ipinamalas ni Pres. Digong ang katangiang ito nang kanyang supalpalin ang mga sipsip na kaalyadong nagsusulong ng impeachment laban kay Vice President Leni Robredo sa Kamara.

Ito ay sa kabila na minsan nang binatikos sa ibang issue ng mga politikong patay-gutom sa karangalan at kalaban sa politika na hindi raw statesman si Pres. Digong.

Napahiya pati ang mga bopols na napaniwala ng maling paratang na si Pres. Digong ang arkitekto na nasa likod ng impeachment laban kay VP Robredo.

Sabi ni Pres. Digong sa mga kaalyado at sipsip-buto na nagsusulong na mapatalsik si VP Robredo sa puwesto:

“Look, you know, we just had an election. Guys, lay off. Let’s stop it!”

Sinabi rin ng Pangulo na, “Elected ‘yang tao e. So why do you have to? Just because she keeps on harping on me? Hayaan mo, this is a democracy, freedom of speech.”

Napatunayan din ang pagpapahalaga ni Pres. Digong sa malayang pamamahayag kahit biktima siya ng mga walang basehang paninira na lumalabas sa mainstream media.

Walang duda, estadista si Pres. Digong kahit palamura.

STUNTMAN PALA
SI KOKO PIMENTEL

SI Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na unang tumahol ng impeachment laban kay VP Robredo ay tumambling na parang stuntman ng SOS Daredevil at sumirko nang pabaligtad.

Pagkatapos mabutata ay natunugan marahil ni Koko ang suspetsa na nag-aambisyon siyang masulot ang mababakanteng puwesto kung magtagumpay ang maitim na planong pagpapatalsik kay VP Robredo sa rule of succession o makatsamba na mapipiling papalit.

Malas lang niya dahil baka naisip ni Pres. Digong na ‘pag hinayaan niyang magtagumpay ang plano laban kay VP Robredo ay siya naman ang isunod na patalsikin.

Sa hanay ng mga senador dapat nagsisimula ang mga estadista, pero imposible sa kalidad ng liderato ni Koko sa Senado.

‘SADISTA’ SA KAMARA

AYAW pa rin paawat si House Speaker Pantaleon Alvarez at nagmamatigas na ituloy ang pagsisipsip, ‘este, pagsusulong ng impeachment laban kay VP Robredo kahit tutol pa raw si Pres. Digong.

Hindi kaya sumosobra na ang kabag sa katawan nitong si Alvarez sa kanyang mga pinagsasasabi na isip mo kung sinong langaw na natungtong lang sa kalabaw?

Si Pres. Digong na nga ang nagsabing hindi makabubuti sa bansa ang walang basehang impeachment laban kay VP Robredo pero gusto yata niyang palabasin na ang pangulo pa ang dapat sumunod sa kanyang kapritso.

Kung gustong magsipsip nang unlimited ni Alvarez sa pangulo ay ‘wag niyang idamay sa gulo ang bansa at mamamayan.

Imbes himukin ni Alvarez ang sambayanan na magkaisa at suportahan ang administrasyon at mga desisyon ni Pres. Digong ay iginagawa pa niya ng kaaway ang pangulo.

Hindi na nangangailangan ng kalaban si Pres. Digong kapag naligid siya ng mga gaya ni Alvarez para ma-destabilize ang administrasyon.

Kaya tama lang na hindi patulan ni VP Robredo ang kababawan ni Alvarez.

Matatandaan na tinanggalan ni Alvarez ng komite sa Kamara ang mga hindi bumoto sa walang sentido-kumon na Death Penalty Bill, kabilang na si GMA.

Hindi ba si Alvarez ang dapat tanggalin sa partido at liderato ng Kamara dahil sa pagsalungat upang hindi magtagumpay ang mga magagandang simulain ni Pres. Digong?

Sadista!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *