Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano Ogie Diaz

Ogie Diaz, proud na proud sa alagang si Liza Soberano

NAGPAPASALAMAT at natutuwa ang talent manager na si Ogie Diaz dahil ang alaga niyang si Liza Soberano ang patok na choice ng marami para maging susunod na Darna.

“Thankful naman ako na si Liza ang napipisil ng marami na maging Darna,” panimula ng loveable na talent manager/comedian.

“Pero hintayin na lang muna natin siguro ang announcement talaga. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung sino talaga ang magiging next na Darna. Pero kung sakaling magyayari nga iyan, maraming paghahanda na dapat gawin si Liza,” dagdag niya.

Puring-puri rin ni Ogie ang kabaitan at pagiging masunurin ng kanyang magandang alaga. Sa ngayon ay unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng kanyang talent. Kabilang sa naipundar na ni Liza ang mga bahay at kotse na siyang pangako niya noon kay Ogie na talagang pagpupursigehang matupad, plus, mayroon na ring negosyo ngayon si Liza.

Isa rin si Liza sa top actress ngayon ng bansa. Sa TV man at pelikula, pati endorsements ay patok ang Kapamilya actress. Kaya naman ipinagmamalaki ni Ogie ang magandang ugali at kasipagan ni Liza.

“Si Liza, mabait at masunurin iyan. Lagi ko siyang pinaaalalahanan, sabi ko, ‘Anak, pinaghirapan mo ito kaya huwag mong hahayaan, kaya dapat ay alagaan mo.’  Masunurin naman siyang bata,” saad ni Ogie.

Ayon kay Ogie, kahit sikat o hindi man ang isang artista, kapag kilala sila ni Liza ay siya pa ang unang babati sa kanila.

Pinaaalalahanan din daw lagi ni Ogie si Liza na ingatan ang health, dahil mahalaga ito lalo na at talagang kaliwa’t ka-nan ang trabaho ni Liza.

Incidentally, nabanggit din ng manager ni Liza na bukas na ulit ang kanilang acting workshop, “Sa mga gustong maging artista, eto na ang kanilang pagkakataon dahil may Summer Acting Workshop ulit sina Ogie. “Two years na na-ming ginagawa ito. Puwede ang teens and adults, 13 years old to 40 yers old, ang kids naman ay mula 7-12 years old.

“For workshops details and reservations, please email: [email protected]. Ang mga acting coaches namin ay sina Aiko Melendez and Beverly Salviejo. We also have voice lessons and Marissa Sanchez is our voice coach,” wika ni Ogie.

Sa totoo lang, ang dami nang talents ang OgieD Productions, Inc., na galing din sa workshop nina Ogie na ngayon ay may guestings and shows na sa ABS-CBN. Kaya dapat samantalahin nila ang pagkakataong ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …