Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza, ‘di pa rin makaalagwa ang career kahit nag-daring na

DATI walang gaanong pumapansin kay Ryza Cenon sa Kapuso Network. Kahit sabihin pang siya ang naging Ultimate Female Survivor ngStarstruck hindi pa rin siya ganoon kung pahalagahan.

Muntik na ngang masiraan ng loob ang young star na taga-Nueva Ecija. Tinanggap niya ang alok ng isang indie film producer na nag-daring siya.

Ang problema, nag-dating na’t lahat, hindi pa rin kinagat sa takilya.

Wala kasing promo na biglang lumabas na bida pala siya sa isang pelikula.

Hindi naman nasiraan ng loo bang dalaga sa nangyari. Mabuti at mayroong dumating na magandang proyekto via Ika-6 Na Utos kasama sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.

Ang dating KSP ay biglang gumaw ang ingay dahil sa serye. At halos malunod sa tuwa ang dalaga dahil extended hanggang Mayo ang serye nila.

Hinangaan si Ryza sa magandang pagganap sa serye na kung ilang beses nakatatanggap ng sampal mula kay Sunhine. Hindi rin biro ang sabunutan nila ni Sunshine na animo’y totoo.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …