Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, Liza, Nadine at Yassi, angat sa survey para mag-Darna!

AFTER lumabas ang balitang ‘di na gagawin ni Angel Locsin ang pagsasapelikula ng Darna na katha ni Mars Ravelo dahil sa kanyang health problem, may kanya-kanyang grupo ng fans ang nagsa-suggest sa posibleng pumalit.

Ilan sa lumutang na mga pangalan na talaga namang isinusulong ng kani-kanilang fans at pasok sa survey na maging next Darna ay si Miss Universe Pia Wurtzbach. Kapag si Pia ang naging Darna, puwede itong tawaging Darna and the Universe.

‘Di rin nagpakabog ang fans nina Liza Soberano, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Jessy Mendiola, Yassi Pressman, Sofia Andres, Julia Barretto, Maja Salvador, Sarah Geronimo na isinusulong din para mag-Darna.

Sa ngayon ay wala pang announcement kung sino ba ang magiging Millenial Darna sa mga nabanggit na pangalan at susunod sa yapak nina  Vilma Santos, Anjanette Abayari, Sharon Cuneta, Marian Rivera, Nanette Medved, at Angel Locsin.

Hiro, fan ng Power Rangers

HINDI naiwasang maiyak ng Kapuso actor na si Hiro Peralta nang mapanood sa block screening ng Power Rangers na ginanap sa Cinema 1 ng Trinoma at hatid ng 97.1 Brgy. LS FM, hosted by Ate Liza.

Sobrang saya ni Hiro nang mapanood sa big screen ang kanyang paboritong Power Rangers, kaya naman game na game itong nagpalitrato sa mga cosplayer na naka-costume ng Power Rangers.

Big fan pala ng Power Rangers si Hiro na may collection ng iba’t ibang Power Rangers Memorabilia at ang paborito niya ay si Red Rangers. Kung mapapansin ninyo ang personal Twitter ng actor, HiroRangers ito gayundin ang fans club niya.

Isa nga sa dream nito ay mabigyan ng role ng isang hero katulad ni Red Ranger sa kanyang mga susunod na proyekto. Sa ngayon ay ang boses niya ang ginamit sa pagbabalik ng Voltes V sa telebisyon bilang si Big Bert at regular na napapanood sa Unang Hirit bilang segment host.

RMES Salon, puntahan ng mga celebrity

ISA si Ronel M Egang o mas kilala bilang si RMES sa mga baguhang hair and make up artist sa bansa ang nagiging paboritong puntahan ng  local celebrities dahil sa husay sa hair styling at pagme-make up. Si RMES din ang may-ari ng RMES Salon.

Ilan dito ang yumaong si Master Showman Kuya Germs Moreno gayundin sina Loisa Andalio, Sam Concepcion, John Manalo, Jhake Vargas, Ruru Madrid, Rocco Nacino, childstar Igiboy Flores at Alonzo Muhlach, Shirley Fuentes, and celebrity surgeons Dr’s Manny and Pie Calayan, Kokoy De Santos atbp..

Dalawa na ang branch nito ng RMES Salon, isa sa Cavite at sa Manila at balak pa nitong magkaroon ng ilan pang branches ngayong taon.

Tsika ni RMES, ”I always continued to educate myself  by attending hair and makeup workshops.

“Recently I join HairAsia at nanalo ako bilang 1st runner up sa Evening Make Up and Hairstyling category.

“And I also attended the Intermediate Makeup Course in the highly reputable  school of fashion and the srts,” giit pa ni RMES.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …