HINIMOK ni Comelec Chairman Andres Bautista ang Malacañang, na ibigay ang direktiba sa Kongreso para sa kaukulang batas para sa election postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa 23 Oktubre 2017.
Ayon kay Bautista, verbal information pa lang ang hawak nila ngayon kaya hindi pa nila masabi kung matutuloy o maipagpapaliban muli ang halalang pambarangay.
Hiling ni Bautista, maisabatas ang postponement nang mas maaga bago pa man makabili ng mga kagamitan ang Comelec para sa nakatakdang eleksiyon.
Walang reklamo ang poll body kung matutuloy o kahit muling sususpendihin ang halalan, ngunit kailangan may batas silang mapanghahawakan upang magawa nila ang angkop na mga hakbang.