BAGUIO CITY – Niyanig ng magnitude 3.0 o intensity 2 lindol ang lungsod ng Baguio dakong 11:34 am, kahapon.
Ayon kay Dandy Camero, science research specialist ng Philvolcs-Baguio, naitala ang sentro ng pagyanig sa 6km sa timog, o 67 degrees Celsius sa kanluran ng Baguio City.
Aniya, ito ay “tectonic in origin” at may lalim na 15km. Sinundan pa ito ng pagyanig dakong 11:37 am kahapon, at naitala ang 2.4 magnitude, o intensity 1 lindol.
Nairehistro ito isang kilometro sa dakong timog, 71 degrees Celsius sa kanluran ng Baguio City, at may lalim na 30km.
Walang naitalang nasugatan o nasira sa na-sabing bahagyang mga pagyanig.