Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ratratan sa Ang Probinsyano ni Coco Martin, nakakabitin!

LALONG nagiging exciting ang bawat kabanata ngayon ng FPJ’S Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin sa ABS CBN.

Last Monday, sa kasagsagan ng birthday preparation para kay Cardo (Coco), naghahanda na ang grupo ni Romano “Chairman” Recio (Ronnie Lazaro) para buweltahan at ratratin na si Cardo upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kapatid na si Alwyn Recio (Kristoffer King).

Nalaman na rin ni SPO1 Rigor Soriano (Marc Solis) na ang reporter na si Monica Montenegro (Desiree del Valle) ay kasabwat ni Police C/Insp. Joaquin S. Tuazon (Arjo Atayde). Kaya mas lalong nagiging exciting talaga ang bawat episodes ng top rating TV series na ito ng Kapamilya Network.

Pero ang reklamo ng ilang naka-usap kong suki ng Ang Probinsyano lately, nabibitin daw sila sa mga bakbakan at mga aksiyon scene rito. Akala ko ay ako lang ang nakakaramdam ng ganoon, pero hindi pala.

Mula pa sa sagupaan ni Cardo with Joaquin na nahulog si Arjo sa dagat mula sa barko na nagbarilan sila ni Coco, hanggang sa resbak ni Ronnie, maraming viewers ng Ang Probinsyano ang nabibitin.

Kaya sana, this week ay maratrat na ni Cardo si Chairman. At sana ay magkaroon na rin ng linaw ang kasong isinampa sa drug lord at lider ng sindikato na si Don Emilio Syquia (Eddie Garcia), para naman makabalik na sa pagiging pulis ulit si Cardo at maipakita sa sandamakmak na viewers ng Ang Probinsyano na ‘Crime Doesn’t Pay’ at may karma sa bandang huli.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …