Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Domingo, pinahiya si Meg Imperial

USAP-USAPAN ng mga entertainment press sa isang event ang ginawang pang i-snob ni Kim Domingo kay Meg Imperial.

Nangyari ang pang i-snob ni Kim kay Meg sa pictorial ng isang  proyektong pagsasamahan nila.

Ang siste, nang makita ni Meg si Kim ay lumapit ito at binati ang sexy comedienne at iniabot ang kamay para makipag-shake hands sabay sabing, ”Hi, I’m Meg” habang nakangiti ang teen actress.

Naloka ang mga tao roon pati na rin si Meg nang ‘di man lang bumati si Kim at tiningnan lang si Meg at ni hindi man lamang nakipagkamay.

At dahil feeling ni Meg na napahiya siya ay ngumiti na lang ang mabait na actress at umalis na lang sa harap ni Kim.

Tsika pa ng aming source, mukhang nagpi-feeling sikat ang hitad nang mga sandaling iyon sa kanyang inasal na kung tutuusin ay mas marami nang napatunayan si Meg pagdating sa pag-aartista kompara kay Kim na wala pang napatutunayan kung hindi ang pagpapa-sexy lamang.

Dapat ay pangaralan ito ng kanyang management at isaksak sa kokote nito na hindi pa siya sikat at nasa level pa lang siya ng pagiging starlet.

‘Yun na.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …