Immigration employees nagpasalamat kay SoJ Vitaliano Aguirre
Jerry Yap
March 20, 2017
Bulabugin
MARAMING Immigration employees ang nagpapasalamat at natuwa sa todo-suportang ipinapakita ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa pagbabalik ng overtime pay para sa Bureau of Immigration.
Sa kanyang liham (position paper) na ipinaabot sa Malacañang, ini-request ni Sec. Aguirre na pansamantalang pigilin (moratorium) ang veto ng Pangulo para sa provision na naglalayong ilagak ang Express Lane Fund (ELF) ng Bureau of Immigration (BI) sa National Treasury hangga’t hindi pa naisasaayos ang salary increase or standardization para sa mga empleyado.
Nakatataba nga naman ng puso ang ganitong “gesture” ng Secretary of Justice.
Sa kabila ng mga batikos na inaabot niya sa kampo ng mga ‘dilawan’ pati na sa stress na inaabot niya sa Senado tungkol sa nakaraang immigration bribery/extortion scandal, patuloy pa rin ang kanyang suporta na huwag mawala ang ipinaglalabang overtime pay ng kagawaran.
Malaking kabaligtaran ito sa nangyari noong administrasyon ni former SOJ Leila De Saba ‘este De Lima na nagawa agad alisin ang pagbabayad ng airline and shipping fees noong panahon nila!
Kung hindi dahil sa isang ‘Memorandum’ ni Mar Roxas at Cesar Purisima at pati na rin sa pagpanig ni Senador Franklin Drilon, hindi gaanong apektado ang Bureau kahit pa nawala ang Express Lane Fund.
Sa kita mula sa airline and shipping fees, sapat na sana para ma-subsidize ang kita para sa ELF.
Ganoon din ang pagbabawas ni expelled ‘este ex-commissioner pabebe boy Mison sa mga ibinabayad na Administrative Fine ng bawat airline.
Matatandaang magmula sa P50,000 administrative fine, naging P500 na lamang ang ibinibigay ng mga airline and shipping companies kapag may na-exclude silang pasahero?!
Bagay na nagpababa sa dating malaking kita ng Bureau.
Sonabagan!
Sana naman ay magkaroon ng linaw at magandang resulta ang ginawang liham ni Secretary Aguirre kay Pangulong Duterte at hindi siya magsawa hangga’t hindi naibabalik ang nawalang overtime pay ng BI employees.
Secretary Vitaliano Aguirre, mabuhay po kayo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap