Sunday , November 17 2024

I Can Do That, tinitira ng netizens

IBANG klaseng tuwa at saya ang hatid ng pinakabagong celebrity talent show na I Can Do That ng  Kapamilya Network na napapanood tuwing Sabado at Linggo, 9:45 p.m..

Nakabibilib ang mga ipinakitang stunts ng walong celebrities sa pilot episode nito.

Well, sa pagbubukas ng show ay nagsulputan din ang ilang netizens na walang ginawa kundi ang manira sa show at kung ano-ano ang pinagsasabi about the show.

Kung sabagay, hindi naman natin maiiwasan ‘yan. Mas mahalaga kasi sa amin ang ginagawang effort ng production na makagawa ng ganitong show para sa kapamilya. ‘Yung iba kung makatira, ibang klase. Nahiya naman kami sa galing ninyo ‘di ba? Grabe!

Kainis lang dahil kung makapanlait sila. Dapat sana ina-appreciate natin ang mga ganitong show o kahit na anong show dahil hindi po biro ang paggawa ng isang show. Hay! Kaloka! Puwede naman nating sabihing medyo may kulang sa isang show o lumabis ito. Hindi ‘yung ipagsisigawan ninyong walang kuwenta at sayang ang airtime.

People are people talaga. Basta.

Congratulations kina Daniel Matsunaga at Arci Munoz  who did it well last week na sila nga ang nanalo. Abangan naman this Saturday at Sunday ang kakaiba pang gagawin ng walong celebrities.

REALITY BITES – Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *