Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garie, mae-excite at kakabahan kung makatatrabaho ang amang si Gabby

KAYA raw pagsabayin ni Garie Concepcion ang pagiging aktres at singer. Sa ngayon ay abala si Garie sa kanyang showbiz career. Kabilang siya sa cast ng pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Alfred Vargas at mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.

Ito na bale ang kanyang fourth movie. Nauna rito’y naging bahagi siya ng Mater Dolorosa, Straight to the Heart, at Across The Crescent Moon.

May dalawang shows din ngayong March si Garie. Una rito ang Killing Me Softly sa Historia Bar sa March 21 (Tuesday), 8 pm. Kasama niya rito sina LA Santos, Tori Garcia, Altitude.7 Band, Erika Mae Salas, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, Rayantha Leigh, at iba pa. Tampok din si Garie sa kanyang first solo show na pinamagatang “Oh… My Garie!” Gaganapin ito sa Music Box sa Timog Quezon City sa March 30, 9:00 pm. Guest dito ni Garie sina Kiel Alo at Ezekiel Hontiveros.

This year ay umaasa si Garie na mas magiging aktibo siya sa showbiz. ”Sabi ko nga po, I’m hoping and praying that this year will be a better year for me. And masaya po ako, thank you Lord dahil po kahit papaano may shows po tayo ngayon,” saad ng anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna.

Isa sa wish ni Garie ang makasama sa pelikula ang amang si Gabby. “Yes, isa po sa wish ko na makatrabaho si dad. Looking forward na makasama ko si Daddy in a movie, iyong magkakaroon kami ng eksena talaga. Kasi we did the movie Across The Crescent Moon, pero wala po kaming eksena roon na magkasama, e,” nakangiting wika niya.

Halimbawang sa MMK o pelikula ay magkasama kayo talaga at magkaeksena ano ang mapi-feel mo?

“Siyempre po mae-excite, opo naman. Siyempre iba pa rin po kung makatrabaho mo ‘yung magulang mo, pero kinakabahan ako, just with the thought na ganoon,” pahalakhak na saad niya. “Siyempre tatay ko ‘yun e, at saka si papa matagal na sa industriya, e,” pahabol ni Garie.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …