MMDA chair Tim Orbos nalaglag ba sa EDSA ang utak mo!?
Jerry Yap
March 16, 2017
Bulabugin
Hindi naman siguro naging biktima ng hit & run si Metropolian Manila Development Authority (MMDA) chair, Tim Orbos, para malaglag o magkalat ang utak niya sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)…
Gusto na yatang gawing expressway ni MMDA Chair Orbos ang EDSA?!
Ang tingin kasi ni Orbos kaya may traffic kasi maraming nagdaraang sasakyan sa EDSA. At para malutas ito, gusto niyang magbayad (toll fee) ang mga daraan sa EDSA.
Iniisip siguro ni Orbos kapag may bayad na sa EDSA gaya sa mga expressway, hindi na daraan doon ang mga sasakyan?!
Henyo…ngot!
Puwedeng umubra ‘yan sa mga bansang kakaunti ang populasyon at kakaunti ang mga sasakyang dumaraan sa major thoroughfare gaya ng EDSA.
Gusto mo kasing gayahin ang Singapore, ‘di ba?
Hindi sa isang bansa gaya ng Filipinas, na marami ngang kalsada pero isinara at ginawang parking area. ‘Yung iba, ginawang palengke at mayroon din ginawang recreational area kaya tinayuan ng basketball court.
Bakit ba ang paraan ng pag-iisip ng mga government official ay pagtatanggal agad na hindi nag-iisip kung saan mapupunta ‘yung tatanggalin nila?!
Gustong i-phase-out ang jeepneys, saan dadalhin ang mga jeepney driver? Ano ang magiging bagong kabuhayan ng jeepney drivers?!
Babawasan ang mga sasakyang dumaraan sa EDSA, saan padaraanin? Mayroon na ba silang alternatibong ruta?!
Tatanggalin ang mga sasakyang ginawang garahe ang kalye at eskinita, saan ang alternatibong paradahan?!
‘Yun po ang gusto nating sabihin.
Hindi puwedeng tanggal nang tanggal lang. Dapat may paglalagyan ang mga sasakyan o may alternatibong ruta o kalsada ang ibabawas na sasakyan sa EDSA.
Higit sa lahat, dapat may alternatibong hanapbuhay ang mawawalan ng pagkakakitaan gaya ng jeepney drivers.
Talagang malaking pondo ang kailangan kapag may gustong ayusin lalo na kung urban design ang pinag-uusapan.
At baka ‘yun ang dapat pag-isipan ng MMDA, mayroong problema sa urban design ang mga pangunahing lungsod ng bansa.
Chairman Orbos, puwede ba ‘yung mga suhestiyon na parang pinag-isipan ang ihapag mo sa sambayanan?
‘Wag ‘yung mga suhestiyon na parang ‘sasandukin’ ang utak mo sa EDSA?!
Ay sus!
HUBARAN SA MS.
UNIVERSAL
CLUB TIMBRADO!?
SIR, malakas ang timbre ng Ms. Universal Club sa pulis at Pasay City hall. Largado ang hubaran sa stage at kangkangan sa VIP room.
+63905537 – – – –
REACTION
SA MGA PRESONG
PINAGHUBO
SI Atty. Mauricio ay favor sa ginawa ng mga awtoridad na pagpapahubo at hubad sa mga preso sa Cebu jail. Hindi dapat na paghubuin pa ang mga preso. Okey lang ‘yong nakahubad pero ‘yong paghubuin pa ay hindi na maganda, labag sa karapatang pantao ang ginawa sa mga preso. Kung sa iyo kaya gawin iyon Atty. Mauricio na paghubuin ka at makita ng mga tao na supot ka pala at puro galis ang titi mo at puwet mo ‘di ba mapapahiya ka sa mga tao? Kung pang-itaas lang ang hubad ok lang ‘yun at kahit brief na lang ang ipasuot sa mga preso.
+639333406 – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap