Tuesday , January 14 2025

P550 terminal fee sa OFWs ipinatanggal ni MIAA GM Ed Monreal (Bilang pasasalamat ni Tatay Digs)

MAGANDANG balita sa mahigit tatlong milyong overseas Filipino workers (OFWs)…

Simula sa susunod na buwan, Abril 2017, hindi na magbabayad ng P550 terminal fee sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang OFWs.

Bukas, Miyerkoles, 15 Marso 2017, si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at lahat ng airline officials o mga kinatawan nila ay lalagda sa Memorandum of Agreement (MOA) na wala nang babayarang terminal fee ang OFWs.

Isa sa mga natutuwa sa bagong development na ito ay walang iba kundi si GM Ed Monreal.

Talaga kasing trinabaho ni GM Ed ang bagay na ‘yan at nakipag-ugnayan siya sa international airlines para tuluyang matanggal ang airport terminal fee na ipinataw ng nakaraang administrasyon sa OFWs noong Pebrero 2015.

‘Yan ay isa sa mga regalo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ating mga kababayang OFWs bilang pagkilala sa kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang dollar remittances.

120116-ofw-terminal-fee

Ang paglagda sa MOA ay pangungunahan ng MIAA, mga kalahok na airlines, Overseas Workers Welfare (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Susan Ople Foundation at iba pang OFW advocates.

Imbitado rin ang mga kinatawan ng mga repsonsableng recruitment agencies para saksihan ang magaganap na lagdaan.

Dati kasi, magbabayad ang OFWs ng P550 para sa terminal fee sa airport kapag bumili sila ng ticket online o kaya sa airline ticket offices.

Puwede nila itong i-refund kapag umalis o dumating sa NAIA terminals.

Pero dahil busy ang OFWs, marami sa kanila ay hindi na na-claim ‘yung refund nila. ‘Yung iba naman napagod na sa pagpila sa departure refund counters sa bawat terminal.

Ang ikalawang magandang balita rito, ayon kay GM Monreal, mahigit isang bilyong piso na ang kabuuang koleksiyon diyan at hanggang ngayon ay nasa NAIA general fund pa. Kaya naman nakahanda silang i-refund ‘yan sa OFWs pero kailangang maipakita nila ang e-ticket, boarding pass at passport na ginamit nila noong umalis sila.

Ngayon pa lang, ‘e malaking pasasalamat na ang ipinaabot ng OFWs kina GM Ed Monreal at Tatay Digong…

Bukod sa kaluwagan ito sa pasanin ng mga OFW, kabawasan din ito ng abala sa oras sa kanilang pagbibiyahe.

Kudos to GM Ed Monreal’s administration!

PABOR SA EXECUTIVE
ORDER No. 15

Dear Sir,

Isang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Noong Marso nilagdaan ang Executive Order No. 15 upang bumuo ang inter-agency body na pamumunuan ng Philippine Drugs Enforcement Agency. Isa sa magiging katuwang nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya naman panibagong hamon at responsibilidad ang nakaatang sa ating sandatahang lakas. Maganda rin itong naisip na paraan ng pangulo upang mas mapadali ang pagsawata sa drug users, pushers at suppliers sa pagsasanib ng AFP at PNP.

Jersan R. Arguilles
Mindoro
[email protected]

HUMIHINGI NG TULONG
(PAGING: NLRC, DOLE, DSWD)

KA JERRY good morning po, nagbakasakali po ako na ma2lungan nio. Nag-work po ako sa isang company diyan sa Manila. Naputulan po ako ng buto sa binti nang ako ay maaksidente sa oras ng trabaho. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako mkapag-work. Sabi nla sakin ay bbigyan nila ako ng sahod hangga’t di ako makapag-work pero binibigyan lang po nila minsan ako ng P1,600 sa 1 week. Nagsisipag-aral po mga anak ko, 2 po nasa college, 2 po sa hi-school, baka po mapahinto cla ng pag-aaral dahil d2 lahat po kami magkaka-work. Walang SSS. Nabasa ko lang po sa isang pahayagan ang column n’yo kaya po nagbaka-sakali na ako na m2lungan innyo. Taga-Mauban, Quezon po ako.

+639098710529

Kabayan, mas mabuting magsampa ka ng reklamo sa NLRC para matulungan ka na makuha ang iyong benepisyo.

BIKTIMA RIN NG FREEDOM
TO WIN FOUNDATION
(ATTENTION: TESDA & NBI)

HELLO po, good morning. Nais ko lang po ipaabot ‘yung hinaing ko po, kc ‘yung freedom 2 win foundation hanggang ngayon ‘di pa binabalik ‘yung refund fee po namin. Nakailan txt na po kami ng asawa ko tapos ‘pag tinawagan di sinasagot kc po bz daw. Ang huling sabi sa amin mag-send daw po kami ng letter of refund sa email pero nakapag-send na po kami hanggang ngayon wala pa rin po. ‘Di pa rin sumasagot. Nag-txt po ako kc nabasa ko po sa Google na puwede mag-txt o mag-email po sa inyo sa Bulabugin. Sana po matulungan po ninyo ako. Hiniram lang po namin ‘yung pera sa pag-aakala na makapag-a- abroad ang asawa ko. Pero ito po ang nangyari. Puno kami sa utang Sir Jerry Yap. Nabasa ko po ‘yung tabloid n’yo po sa Google. Kaya po ako nagsumbong sa inyo tungkol sa ginawa ng freedom 2 win foundation. Sana po mabigyan-pansin po eto kc po nangutang lang po kami ng pera pang-enrol dapat sa alok nila sa Japan. Hindi na po namin itutuloy ang pag- a-abroad, e ngayon po hanggang ngayon di na po ibinabalik sa amin ‘yung down po namin na 15 thousand.

+63975245 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *