Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko, pressured sa acting dahil sa kanyang pamilya

UNANG mainstream movie ni Kiko Estrada ang Pwera Usog na handog ng Regal Entertainment Inc., na napapanood sa mga sinehan sa kasalukuyan. Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang batang actor sa ibinigay na chance para maipakita ang talent niya sa acting.

Naka-dalawang indie movie na rin si Kiko pero aniya, iba ang Pwera Usog. “I love the set, sobrang ganda, stress free. Hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal ang indie, gustong-gusto ko ang script nito. I love to act lang talaga,” ani Kiko sa celebrity screening noong Martes na isinagawa sa Promenade Cinema, Greenhills.

Sa Pwera Usog, napansin ang galing umarte ni Kiko kaya natanong namin kung ano ang nasabi ng kanyang inang si Cheska Diaz na naroon din noong gabing iyon.

“Maraming salamat, tsamba lang, pero pinaghandaan kong mabuti ang acting.

“Si Mommy ko, sobrang proud at nagandahan siya ‘coz my mom is my biggest critic kaya ginalingan ko po. Siya ang nagpi-pressure sa akin dahil magagaling ang pamilya ko sa acting.From my lolo Paquito to tito Joko to my mom and to my dad, Gary Estrada.”

Ani Joko, may pressure sa kanya para galingan ang acting. ”Parang I had to step up to the plate. Kailangan galingan ko talaga,” sambit ni Kiko.

Hindi naman gustong sundan ni Kiko ang yapak ng kanyang lolo Paquito. ”I think, if may ganoong role, blessing na ‘yun. I’ll take own my version kasi wala namang puwedeng pumalit kay Paquito Diaz.

“Sabi nga nila Paquito Jr. ako. For me compliment ‘yun sa akin kasi siya ang pinakamagaling na artista para sa akin. Idol ko siya eh,” giit pa ni Kiko.

Ukol naman sa kanyang amang si Gorio, ”Feeling ko kapag napanood ni daddy ko ito, magiging proud siya. Baka sabihin niya, ‘gawa na tayo ng indie anak’.

Palabas na sa kasalukuyan ang Pwera Usog na idinirehe ni Jason Paul Laxamanaat kasama rin sina Joseph Marco, Sofia Andres, Devon Seron, Albie Casino, atCherise Castro.

Samantala, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Pwera Usog at naka-P3-M agad sa first day of showing. Congratulations kina Mother Lily at Roselle Monteverde.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …