Saturday , December 21 2024

Kailan natin tutularan ang South Korea laban sa mga magnanakaw

00 Kalampag percyKINATIGAN ng Constitutional Court ang pagpapatalsik sa babaeng pangulo ng South Korea na si Park Geun-hye sa kasong corruption at betrayal of public trust nitong nakaraang linggo.

Napakabilis ng mga pangyayari pagkatapos ibulgar sa  media noong October 2016 ang pangingikil ng matalik na kaibigan ni Park Geun-hye na si Choi Soon-sil nang milyon-milyong dolyares mula sa malalaking negosyante ng South Korea.

Ang pagiging malapit lamang niya kay Choi na wala namang hinahawakang puwesto sa gobyerno ang naging basehan para mapatalsik si Park sa kapangyarihan bilang isang halal na pangulo.

Ibig sabihin, ni hindi mismong si Park ang direktamenteng nangikil sa mga negosyante, kung ‘di ang kaibigang si Choi na malapit sa kanya.

Bagama’t wala namang anomang puwesto na hinahawakan si Choi sa gobyerno, ikinonekta ang impluwensiya niya bilang “shadow adviser,” PR sa media at speechwriter ni Park.

Pero hindi pa nagtatapos sa pagpapatalsik sa puwesto ang kuwento dahil bubunuin ni Park ang mga kasong kriminal na nakatakdang isampa laban sa kanya na parehong-pareho nang nangyari kay Joseph ‘Erap’ Estrada na noong Setyembre 2007 ay nasentensiyahan sa kasong pandarambong matapos palayasin ng taongbayan bilang pangulo noong 2001.

Sa kaparehong dahilan din kaya nakakulong ngayon ang mga dating senador na sina Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Jose ‘Jinggoy’ Estrada  at iba pang mga kinasuhan sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles naman ang gumanap sa papel ni Choi.

Ang pagkakaiba lang ay pera ng mga pribadong negosyante ang iniuugnay kay Choi at ‘indirect’ corruption, habang dito sa atin ay direktamenteng salapi ng taongbayan ang ibininubulsa ng mga magnanakaw sa pamahalaan.

Hindi ba wala namang ipinagkaiba ang batas na betrayal of public trust nila sa South Korea at dito sa atin pero hindi matapos-tapos ang kaso laban sa mga magnanakaw na sa bandang huli ay hindi rin napapatawan ng karampatang parusa?

At hindi tayo magugulat kung isang araw ay maabsuwelto at mapalaya sina Bong, Jinggoy at mga kasabwat dahil sa walang habas at sunud-sunod na pagbasura ng Sandiganbayan sa mga kaso na ang basehan ay “deprived of right to speedy trial” na sila rin ang nagpatagal sa kaso.

Kung bibigyan siguro ng pagkakataon si Park na makabalik sa tiyan ng kanyang ina at bago siya isilang Y papipiliin ng nationality, tiyak na nanaisin niyang maging isang Filipino na magnanakaw.

Ang mga magnanakaw kasi sa pamahalaan natin ang pInakamapalad na nilalang at hindi napapanagot gaano man kabigat ang kasalanan sa bayan.

Halimbawa na nga si Erap na kahit nasentensiyahan na ay hindi pa rin maipatupad ng pamahalaan ang pagbawi sa kanyang mga dinambong na ipinag-utos na isauli alinsunod sa hatol sa kanya ng Sandiganbayan.

Tayo man marahil ang mabigyan ng pagkakataong makapamili ng pagkamamamayan habang nasa tiyan ng ating ina ay wala sa atin ang gugustuhin na maging Filipino.

WONG CHU KING
DAPAT SAMPOLAN

TAMA si Finance Sec. Sonny Dominguez na dapat lang kasuhan ng economic sabotage si Wong Chu King, may-ari ng Mighty Corp., na nagpapayaman sa panloloko sa buwis.

Hindi sang-ayon si Dominguez sa ideya ni Pang. Rodrigo Roa Duterte na iabsuwelto si Wong Chu King kapag nagbayad ng P2-B.

Sabi ni Dominguez, magiging masamang halimbawa na tutularan ng mga walanghiyang mandaraya sa buwis na magbabayad na lang at ligtas na makasuhan kapag nahuli.

Ang economic sabotage na tulad ng kaso ni Wong Chu King sa pamemeke ng stamp ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at smuggling ay heinous crime at may katumbas na capital punishment ang parusa.

Dapat pa nga ay isailalim sa sequestration at kompiskahin ang lahat ng mga ari-arian habang hindi naaabsuwelto sa kasong pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.

Paano matatakot ang mga kriminal kung hindi naman maipatutupad ang mga batas dahil may mga opisyal sa pamahalaan na nasusuhulan?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *