Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian at Bea, kinabahan sa kissing scene, nadala rin sa titigan

HINDI itinanggi nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na kinabahan sila nang kunan ang kissing scene na napanoood noong Biyernes ng gabi sa A Love To Last ng  ABSCBN.

Ayon sa dalawa, nakailang-take ang naturang halikan.

“Kahit matagal na kaming magkasama ni Bea, hindi nawala ‘yung kaba. Tapos It’s may scene pa ganyan,” giit ni Ian.

“Inaabangan kasi ng tao kaya nakakakaba. Of course you don’t want to disappoint your audience. ‘Yung mga ganyan you want to be perfect,” sambit naman ni Bea.

Last Friday, marami nga ang nag-abang at tumutok dahil totoo namang kilig overload ang halikang napanood. Kahit nga sina Ian at Bea ay hindi  naka-get over sa eksenang iyon nina Anton Noble at Andeng Agoncillo.

Sa kabilang banda, sinabi pa nina Bea at Ian na nadadala rin sila sa mga karakter na ginagampanan nila.

Sabi nga ni Ian, kapag tumitig na si Anton kay Andeng, tila nawawala na siya.

“‘Pag tinitigan mo na ang mga mata niya (Bea), ilong niya, lips niya, mawawala ka na. Parang kahit sinong lalaki kapag tinitigan mo siya mawawala ka na. Alam mo ‘yung nawawala ka na pero nakikita ka pala niya.”

Tila natutunaw naman si Bea sa titig ni Ian. ”Parang nagme-melt ka kapag tinitigan ka ng isang Ian Veneracion. Ang ganda-ganda ng mata niya.”

Sa kabilang banda, patuloy na namamayagpag sa ratings ang ALTL at ang teleseryeng ito ay mahigit isang buwan ng no. 1 sa IWantTV ng ABSCBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …