CEBU CITY – Umabot sa mahigit P20 milyon ha-laga ng hinihinalang shabu, ang nakompiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 (PDEA-7), sa isang buy-bust operation sa Deca Homes Phase II Dumlog, Talisay City, Cebu, kamakalawa.
Kinilala ang nadakip na si Marwin Abelgas, 27, ikinokonsiderang high value target level 3, lider ng kilalang Abelgas Drug Group.
Napag-alaman, si Marwin ang sinasabing sumunod sa yapak ng tinaguriang drug lord sa Cebu na si Jeffrey Jaguar Diaz, at siya ang nagsu-supply ng shabu sa central Visayas.
Kasamang nahuli sa nasabing operasyon ang live-in partner ni Marwin na si Kate Estera, 23-anyos, at ang tatlo pang kasamahan.
Sinabi ni PDEA-7 Dir. Yogi Felimon Ruiz, matagal na niyang nari-rinig ang pangalan ni Marwin, simula pa noong una siyang nadestino sa Cebu, at mahigit isang buwan nilang sinubukang makipagtransaksi-yon dahil mailap ang suspek.
Ayon kay Ruiz, base sa kanilang surveillance, nakabebenta si Abelgas ng limang kilong shabu sa loob lamang ng isang linggo.
Nakuha mula sa mga nahuli ang isang heat sealed transparent plastic pack ng shabu na may bigat na 100 grams, iba pang 10 heat sealed transparent plastic pack na may bigat na 5,000 grams, at tatlo pang heat sealed transparent plastic pack ng shabu, sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P20,400,900.