Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 nene na-gang rape ng 4 gr. 5 teenagers (Nanood ng porno videos)

031217_FRONT
ILOILO CITY – Halinhinanang ginahasa ng apat Grade 5 pupils ang isang Grade 4 pupil, makaraan silang manood ng porn videos, sa bayan ng Aruy, sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay C/Insp. Charlie Sustento, hindi nasampahan ng kaso ang mga suspek dahil batay sa kanilang pagsisiyasat, 11-anyos hanggang 14-anyos lang ang mga suspek, na gumahasa sa 11-anyos biktima, taliwas sa ulat ng pulisya na isa sa mga suspek ay 15-anyos na.

Sinabi ni Sustento, lumabas din sa kanilang imbestigasyon, pangalawang beses nang ginahasa ang biktima.

Ngunit sa pinakahu-ling insidenteng nangyari nitong Lunes, hindi lu-maban ang biktima bagama’t hinawakan siya ng ibang mga suspek habang ginagahasa ng isa pa.

Ayon kay C/Insp. Sustento, maging ang biktima ay nanood din ng pornographic videos bago ang insidente.

Ikinagulat aniya ng mga magulang ng biktima at ng mga suspek ang pangyayari, dahil ang pag-aakala nila ay nasa paaralan ang kanilang mga anak.

12-ANYOS NILURAY
NG BAYAW

ARESTADO ang isang 29-anyos lalaki makaraan gahasain ang kanyang 14-anyos hipag sa Davao City.

Sinabi ng biktimang itinago sa pangalang Kim, noong nakaraang taon pa nagsimula ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang bayaw.

Nangyayari aniya ang panghahalay sa loob mismo ng kanilang bahay.

Pinakahuling nangyari ang pang-aabuso sa kanya nitong nakaraang 10 Enero.

Hindi nagawang lu-maban o magsumbong ng biktima dahil banta aniya ng suspek, gagahasain din ang nakababata niyang kapatid na 12-anyos.

Nang maikuwento ng biktima sa kanyang guro ang sinasapit na kahala-yan, ang guro ang nagdala sa dalagita sa Davao City Social City Social Servi-ces and Development Office.

Dito na nalaman ng ina ng dalagita ang nangyari sa anak.

Agad dinakip ng mga pulis ang suspek ngunit kinalaunan ay pinakawalan dahil wala pang kaukulang reklamo na naisasampa sa piskalya.

Itinanggi ng lalaki ang alegasyon ng kanyang hipag.

Payo ng pulisya sa pamilya ng biktima, magsampa ng kaukulang reklamo para makapaglabas ng arrest warrant ang korte at maikulong ang suspek.

78-ANYOS LOLO
TIKLO SA PANGHIHIPO
NG KOLEHIYALA

KALIBO, Aklan – Inaresto ang isang lolo makaraan ireklamo ng panghihipo at pagdakma sa maselang bahagi ng katawan ng isang estudyante sa C. Laserna St., Kalibo, Aklan, kamakalawa.

Umiiyak na dumulog sa himpilan ng pulisya ang kolehiyalang si alyas Jane, 19-anyos, dahil sa pagdakma at paghipo sa kanyang ari nang nakasalubong na matanda sa kalsada, na kinilalang si Jaime Aurelio, 78-anyos, ng naturang lugar.

Ayon sa biktima, kalalabas lamang niya sa paaralan nang makasalubong ang matanda at biglang lumapit sa kanya sabay dakma sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Hinuli ang matanda ng mga tao at dinala sa police station.

Samantala, giit ng lolo, nagandahan lamang siya sa biktima, at nabighani sa hubog ng katawan.

Pinalaya ang suspek nang hindi magsampa ng kaso ang mga magulang ng biktima.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …