Friday , November 15 2024

Mighty Corp., untouchable?

00 Kalampag percyBALEWALA rin ang ipinuhunang sakripisyo ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kampanya ng pamahalaan laban sa talamak na pananabotahe sa ekonomiya.

Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) si Judge Tita Bughao Alisuag ng Manila Regional Trial Court (RTC) nitong March 6 na pinapaboran ang interes ni Alex Wong Chu King at ng Mighty Corp., na manufacturer ng Mighty cigarettes.

Sa serye at magkakahiwalay na raid ng Customs ay nasabat ng mga awtoridad ang itinatayang P2-bilyong halaga ng Mighty cigarettes na may pekeng stamp ng BIR.

Ipinag-utos pa man din mismo ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang pag-aresto sa may-ari ng Mighty Corp., na si Wong Chu King sa kasong economic sabotage.

Ikinuwento ni Pres. Digong kung paano siya tinangkang suhulan ni Wong Chu King noong nakaraang taon kapalit ng hinihinging pabor.

Hindi naipatupad ang utos ng pangulo na pag-aresto kay Wong Chu King hanggang makakuha ng TRO mula sa Manila RTC na pinipigilan ang Customs na makapagsagawa ng raid at mainspeksiyon ang mga bodega na pinagtataguan ng Mighty cigarettes na hinihinalang hindi ibinayad ng karampatang buwis sa BIR.

Ang BOC pa ngayon ang inaakusahan ni Wong Chu King ng ilegal na raid sa mga bodega ng Mighty Corp. sa Pampanga at Cotobato, gayong ilang container van ng Mighty Cigarettes ang nasabat sa bakuran mismo ng Customs.

Inaakusahan din ng suspected smuggler at economic saboteur na si Wong Chu King na depektibo ang scanner at pinalilitaw na genuine daw ang BIR stamp ng mga nasabat na Mighty Cigarettes.

Malamang kaysa hindi na matagal nang modus ang pamemeke ng BIR stamp pero nakalulusot dahil sa lawak ng koneksiyon ni Wong Chu King sa mga opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sabi nga ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo: “He was ordered arrested by the President because of economic sabotage. Marami siyang ginagawa saka ipinangangalandakan niyang nabibili niya lahat ng opisyales sa ating bansa e.”

Madaling matutunton kung kailan pa nagsimula ang pananabotaheng ito sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagrebisa sa previous shipments ng Mighty Corp. ni Wong Chu King.

Sa pamamagitan niyan ay malalaman din kung sino ang kanyang mga kasabwat sa Customs, pati na ang mga lumalakad para mailabas ang mga kontrabando ng Mighty Corp sa Aduana.

Suma-total, pati ang kabuuang halaga ng buwis na hindi ibinayad ng Mighty Corp., sa pamahalaan ay madaling makukuwenta ng Customs at BIR.

Sa pagkakatanda natin, ang nabulgar na pagnanakaw sa pamahalaan ay maihahambing sa modus ni Lino Bocalan ng Cavite mula dekada ‘60 hanggang ideklara ni yumaong Pang. Ferdinand E. Marcos ang Martial Law noong 1972

DAMAGE CONTROL
SA MEDIA CUM PR

ASAHAN na rin ang unti-unting pananahimik ng balita sa media para mapagtakpan ang kasong economic sabotage laban kay Wong Chu King at sa Mighty Corp.

Balitang umupa na rin ng fly-by-night na PR mula sa grupo ng mga nagpapakilalang journalists na ang laging hawak na kliyente ay mga magnanakaw at sangkot sa iba’t ibang illegal activities para sa kung tawagin ay ‘damage control.’

Pero ang masakit ay ilan pala sa lantad na operator ng operation damage control sa media ay appointee pa man din ni beloved Pres. Digong.

At ang mas masakit, opisina pa sa Malacañang ang ginagamit na media bureau ng mga damuho para kontrolin ang paglabas ng mga follow-up na balita sa kaso ng Mighty Corp.

Hindi ba maliwanag na binababoy si Pres. Digong ng mga damuhong PR na ito sa media na nabigyan pa man din niya ng puwesto?

Oh my gas station!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *