Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mighty Corp. markado kay Digong (Eksperto sa suhulan at economic sabotage)

030817_FRONT
NAPUNDI si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananabotahe sa ekonomiya ng Mighty Corp., kaya’t iniutos ang pagdakip sa may-ari ng korporasyon, na si Alex Wochung-king lalo na’t markado sa kanya na nagtangkang suhulan siya ng kuwarta noong mayor pa siya ng Davao City.

Sa panayam sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inatasan niya ang mga awtoridad na arestohin ang may-ari ng Mighty Corp., dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa mga produkto nitong sigarilyo.

“Yes, yes I order his arrest. He’s the one behind it, fake cigarette stamps,” anang Pangulo.

Kuwento ng Pangulo, noong mayor pa siya ng Davao City ay may hini-nging pabor si Wongchuking ngunit hindi niya pinatulan kaya’t nagulat siya nang makitang may iniwang pakete na may lamang pera ngunit ipi-nabalik niya sa kanyang special assistant na si Christopher “Bong” Go, na hinabol pa ang negos-yante hanggang eroplano.

“When I was Mayor, hindi naman, wala na-mang sinabi, basta iniwan lang. May hiningi pabor, sabi ko I am not into it. Pero pagtindig niya may naiwan doon na parang — hindi naman, wala naman bribery, kasi wala naman sinabi. Parang gratis. Ipinahabol ko kay Bong. Akala ko…bote, tatanggapin ko. Hindi naman ako umiinom e, e ‘di ibi-nibigay ko na lang… Pero ‘yung tiningnan no’ng aide ko, pera. Sabi ko ihabol mo kung saan ‘yung g***** ‘yan. So nahabol niya sa eroplano mismo,” aniya.

Dagdag niya, noong nakaraang Pasko nama’y sinubukan muli ni Wongchuking na magregalo sa kanya ng baril at hindi niya muli tinanggap.

“I said there was a Christmas gift. It was a gun during… last Christmas. Sabi ko, hindi ko tinanggap,” giit niya.

Ayon sa source ng Hataw, umupa umano ng isang fly-by-night PR group ang Mighty Corp., upang mag-damge control matapos salakayin ng Bureau of Customs (BoC) ang kanilang bodega, kung saan nakompiska ang kanilang mga siga-rilyong may pekeng selyo, na nagkakahalaga ng P2 bilyon, sa San Simon Industrial Park sa Pampanga.

Sinabi ng source, bukod sa Mighty Corp., kliyente rin ng fly-by-night PR group ang ilang “tulisang negosyante” na sangkot sa illegal activities.

Giit ng source, itutuluyan ni Pangulong Duterte si Wongchuking, upang ipakita sa business sector na seryoso siya sa kampanya kontra korupsiyon at dapat magbayad nang tamang buwis ang mga manga-ngalakal.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …