Friday , November 15 2024

‘Insider’ sa BFP hinahanting!

NAKATATAWA ang pamunuan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) sa hakbangin nila laban sa pagbubunyag natin kaugnay sa travel allowance ng mga Fire Safety Inspector (FSI).

Nitong mga nagdaang linggo, tinalakay at tinatanong natin kung gaano katotoo ang isyu  hinggil sa travel allowance para sa FSI na hindi (raw) napapasakamay ng mga FSI sa kabila ng pirmado sila sa voucher bilang patunay na natanggap  ang allowance.

Para sa kaalaman ng mga hindi nakasubaybay hinggil sa isyu, ang allowance para sa bawat FSI ay ibinibigay sa tuwing magsasagawa ang FSI ng inspeksyon sa mga establisiyemento. Sa bawat lakad at inspeksyon ng FSI sa bawat establisiyemento, ito ay may katumbas na P60.00 travel allowance.

Kung titingnan ay maliit na bagay ang P60.00 pero kapag pagsama-samahin o susumahin ang allowance, aabot ito nang daang libo o milyon.

Halimbawa sa Lungsod Quezon, kung saka-ling 1,000  establisiyemento ang iinspeksiyonin sa loob ng isang araw, umaabot ang sumatotal ng allowance sa P60,0000. Ibig sabihin sa isang buwan ay…magkano? Ang laki ‘di po ba? Pero hindi ko naman sinasabing practice ito sa QC – BFP at sa halip ay tinatanong natin kung gaano katotoo na naibubulsa ang travel allowance para sa mga FSI.

Pero, wala naman kayang kinalaman ang BFP National Capital Regional Office hinggil sa travel allowance na ito?

Anyway, nalaman din natin na okey lang sa FSI na hindi nila nakukuha ang kanilang allowance dahil ang kapalit pala ng nawalang P60.00 ay libo naman daw.

Oo, dahil hindi lang doble ang kapalit nito kundi 1,000 percent. Saan nila kinukuha ang kapalit? Sa mga sasalakayin nilang establisiyemento – kumikita sila nang P3,000 hanggang P5,000 o higit pa sa bawat establisiyemento na pinalalabas nilang may nilabag sa fire code. Bukod sa pagbebenta ng fire extinguisher na mahigpit ipinagbabawal.

Ngayon, heto ang nakatatawa sa ibinunyag natin o tinatanong natin kung may katotohan ang nangyayaring kalokohan sa BFP. Ano’ng nakatatawa, aber?

Sa halip kasi na umaksiyon ang pamunuan ng QC BFP hinggil sa itinatanong nating isyu (kung ito ba ay totoo), hayun kanilang hinahanting kung sino raw ang source natin o kumantang ‘insider.’

Inaalam ng isang galit na opisyal kung sino raw ang source natin. Bakit kapadong-kapado raw natin ang nangyayari sa loob ng BFP. Ha! Ibig bang sabihin ay totoo ang mga itinatanong natin hinggil sa pagbubulsa ng travel allowance?

Ipinapakapa ng opisyal sa kanyang mga alagang suwapang na FSI kung sino ang ‘insider.’ Naniniwala ang opisyal na nasa loob lang daw ng bureau ang source. Nakatatawa nga naman ang nasabing opisyal, apektadong-apektado siya. Bakit? Nakikinabang ba siya sa travel allowance? Marahil! Kaya siya nanggagalaiti sa galit.

Ang tanong sa travel allowance lang ba siya nakikinabang? Ito lang naman ay kung nakikinabang siya sa naibubulsang allowance o kung totoong may naibubulsang allowance para sa FSI sa bawat trabaho o Inspection Order (IO).

Ang opisyal ay mula QC BFP. Ano kaya ang intensiyon ng opisyal sa pag-uutos na kapain kung sino ang ‘insider’ natin? Para sibakin sa trabaho? Okey lang kung sibakin. E paano kung mas malala pa rito ang plano ng nagi-guilty na opisyal? Nakatatakot pala siya?

Hay, kapag pera-pera nga naman ang pinag-usapan, maraming natataranta. Napagagalaw at nabibilog kasi ng pera ang mundo. Sa wikang ingles ‘ika nga… “money, money makes the world go round.”

He he he…

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *