Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymond Francisco, full time producer na

DIREK’S actors! Ngayon naman nag-full time sa pagpo-produce ang nakilala na rin sa larangan ng entablado, telebisyon, at pelikulang si RS o Raymond Francisco sa kanyang Frontrow Entertainment na maghahatid ng  Bhoy Intsik ni Joel Lamangan next week sa mga SM Cinema.

Tumulong siya noon sa mga pelikulang gaya ng Buwaya, co-producer sa  Kasal, at nagbigay naman ng pera sa Lorna at hindi naghintay ng ROI (return of investment) at ito nga ang ikaapat niyang pakikipagsapalaran.

Ang pagiging raw naman ng kanyang mga aktor ang nakapagpa-excite kay direk Joel sa nasabing proyekto.

“Hindi lahat ng nag-acting workshop eh, magaling! Nagka-award sina Nora Aunor at Vilma Santos. Hindi naman sila nag-workshop kahit kailan. Sino ba ang nagwo-workshop? Eh, ‘di ‘yung hindi magaling! Sa akin hindi na honest kasi ‘yung dumadaan sa ganoon. Nagpe-perform na lang sila. Raket ko noong araw ‘yang mag-workshop. Three days babayaran ka ng malaki. Roon ko nasabi na hindi lahat ng nagwo-workshop eh, mahusay. Mas nagagalit ako sa nale-late kaysa hindi makuhang akting. Sa dalawang ito, wala akong naging problema. Kaya tahasan kong nasabing nagagalingan ako kay Ronwaldo.”

Makikita natin ‘yan sa ipamamalas ng napansin na sa Pamilya Ordinaryo na si Ronwaldo. Wala ngang aasahang sexy scenes sa Bhoy Intsik sa pag-krus ng landas ng dalawang bagamundong con artists. At paano nila hinarap ang buhay ng magkasama!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …