Monday , November 25 2024

One-China policy nilalabag ni MECO chief Lito Banayo?

NATUTUWA ang inyong lingkod na mayroon tayong Senador na matalas at kabisado ang batas, dahil kung hindi, baka rito pa tayo masilat sa China.

Pinaiimbestigahan ngayon ni Senate President Koko Pimentel ang reklamong pinagsisisibak ng kasalukuyang hepe ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na si Angelito Banayo ang mga empleyadong dinatnan niya roon.

Itinalaga si Banayo ni Pangulong Duterte sa MECO. Pero mukhang hindi naiintindihan ng una kung paano nag-o-operate ang nasabing organisasyon.

Supposedly, ang MECO ay isang independiyenteng organisasyon na nakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na tao at opisyal ng Taiwan para magkaroon doon ng sentrong ugnayan sa mga Filipino.

Kasi nga may One China Policy.

Ang turing ng China sa Taiwan ay isang probinsiya lang nila kaya hindi sila puwedeng magkaroon ng diplomatic relationship sa ibang bansa.

Kay nga binuo rin nila Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) bilang counterpart naman ng MECO dito sa Maynila.

Hindi naman natin sinasabi na takot tayo sa China, pero mas nakahihiyang sabihin na ignorante sa batas ang mga Filipino dahil sa isang opisyal na itinalaga ni Pangulong Duterte at nag-aastang super power sa MECO.

Bago ito, si Banayo ay naging hepe rin ng National Food Authority (NFA) noong nakaraang administrasyon. Hanggang sa kasalukuyan ay may asunto pa siya sa Ombudsman.

Isang graft case dahil sa ilegal na paggamit ng fictitious farmers’ groups upang makakuha ng import permits na ginagamit naman sa rice smuggling.

Pero dahil sa pinaggagawa niyang pagsibak sa mga empleyado ng MECO na may security of tenure, baka pati ang buong organisasyon ay malusaw.

Ang MECO, ang humahawak ng trade and other transactions sa Taiwan bilang private corporation. Hindi ito dapat magkaroon ng  official government character dahil lalabagin nga nito ang One China policy, ayon mismo kay Pimentel ‘yan.

Ang hepe ay puwedeng maging political appointee pero hindi ang mga empleyado na naglilingkod sa MECO.

Kaya ang ginagawang pagsibak ni Banayo sa mga empleyado ay malinaw na paglabag sa One China Policy.

Tsk tsk tsk…

Para kasing sanay na sanay si Banayo sa pagpapatakbo ng isang sindikato, hindi ng isang professional organization.

Sa ganang atin, napapanahon ang pagpapaimbestigang ‘yan ni Senate President Koko Pimentel…

Aabangan namin ‘yan, Senator Koko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *