MATINDING handog mula sa ASAP Birit Queens na sina Morissette Amon, Jona, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto ang matutunghayan ng mga Pinoy sa ibang bansa simula sa April 7 sa National Theater sa Abu Dhabi. Bilang bahagi ng 20th anniversary ng The Filipino Channel (TFC), pinili ng premier network sina Morissette, Jona, Klarisse, at Angeline para simulan ang naturang year-round celebrations. Bahagi ito ng misyon ng TFC na dalhin ang galing ng Filipino sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Sinabi ni Morisette na excited na siyang mag-perform sa Middle East dahil first time niya ito. “Pupunta kami roon para ma-relive ang homesickness ng mga kababayan doon. I am excited to perform and I am looking forward to how they will react sa mga Kapmilya performers tulad ko.”
Ayon naman kay Klarisse, “Alam naman natin ang mga kabayan natin, work lang ng work para sa pamilya, so nami-miss nila ang Pilipinas. Through this, nae-excite sila bumabalik sa Pilipinas. Panahon naman para mag-enjoy sila. Giving back ito ng TFC.”
“I feel thankful and blessed. Ang mga pagkakataong ito ay isang opportunity sa akin na makapag-perform para sa mga kabayan natin,” wika naman ni Jona.
Para kay Angeline naman, “Ang mga Pinoy, mahilig sa musika. Ito lang ang time na ibibigay nila sa sarili. Kami naman, ang ipapangako namin ay magiging sulit ang pinambili nila ng ticket.”
Sama-samang bubuksan ng apat ang TFC 20th anniversary celebrations at ibabahagi ang galing ng Filipinos ng ASAP Birit Queens sa April 7 sa National Theater sa Old Airport St., Abu Dhabi. Gates open at 4 p.m.
Ang tickets ay mabibili sa halagang AED 250 (Platinum), AED 165 (Gold), at AED 95 (Silver). Para sa tickets outlets, bisitahin ang emea.kapamilya.com
May libreng isang ticket sa apat na tickets na bibilhin sa ilalim ng Barkada Promo (available para sa Gold at Silver tickets).
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang emea.kapamilya.com
Sundan ang Birit Queen sa facebook.com/TFCMiddleEast o magpost gamit ang hash tag na #ASAPBiritQueensinAbuDhabi.
ALAM MO NA!- Nonie V. Nicasio