WALA sanang katotohanan ang agam-agam at pangamba ng mga board member ng MTRCB sa pagpasok ng bago nilang kasamahang si Mocha Uson.
Remember noong idinaan ni Mocha sa kanyang blog ang mga reklamo against her peers for allowing at least two shows ng ABS-CBN na sa palagay niya’y hindi dapat pumasa pero umere? ‘Yun daw ‘yong time na present naman si Mocha sa board meeting pero never niyang ni-raise ang kanyang mga concern.
Kamukat-mukat mo, Mocha took to social media all her complaints, at sinampolan din niya ang kanyang mga kapwa board members.
Ayon sa aming source, present na si Mocha sa itinakdang adjudication ng MTRCB. Sa prosesong ito pinagharap-harap ang mga kinatawan ng mga programa ng ABS-CBN at hiningan ng paliwanag ukol sa issue raised by Mocha.
In fairness to Mocha, may punto ito sa kanyang pag-alma. Prolonged kasi ang ilang eksena roon.
But what’s this we heard na sa meeting na ‘yon ay obvious na “maamo” ang dating ni Mocha? Ine-expect kasi ng kanyang mga kasamahan na ”babangka” siya sa meeting.
Mocha’s strange silence ay may hatid na discomfort sa kanila. To quote our source, ”Kahit kasi ‘yung mga new appointees na kasabay ni Mocha, eh, naiinis na rin sa kanya. Ang feeling ng lahat, eh, ‘yung katahimikan ni Mocha, eh, may ibig sabihin. Gusto ba niyang maalis ang marami sa board para siya ang maghari-harian sa MTRCB?” pahayag ng aming source.
Again, sana’y malayong mangyari ang kinatatakutan ng mga ito. Kompara kasi kay Mocha na hindi pa nag-iinit ang puwet sa kanyang puwesto ay ‘di hamak namang mas may karanasan ang mga taong inabutan niya sa ahensiya.
Marami pang kakaining bigas si Mocha to fully equip herself ng kaalaman sa pagpapatakbo ng MTRCB. Kay direk Emmanuel Borlaza na lang na vice chairman ng MTRCB na may malawak na karanasan sa industriya, uubra kaya ang uhugin pang si Mocha?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III