Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Lawrence, higit 2 million views na ang cover ng Versace on the Floor sa Youtube

MAGKAHALONG excitement at tuwa ang nararamdaman ni Kris Lawrence habang kahuntahan namin siya recently. Marami kasing magandang balita sa kanya lately. Una rito ang very successful concert nila ni JayR sa Calgary, Canada na pinamagatang Soul Brothers.

“Iyong concert namin sa Canada bukod sa sold out, sobrang sarap ng feeling! Lahat ng tao nakatayo sa last couple of songs at sumasayaw, tumatalon!” Panimula ni Kris.

Dagdag pa niya, “Ang saya sobra… They will bring us back for a tour sa sobrang ganda ng feedback.”

Noong isang araw naman ay umabit na sa higit two million hits sa Youtube ang cover niya ng Versace on the Floor ni Bruno Mars. Kaya kinuha namin ang reaction niya sa pangyayaring ito

Esplika ng award-winning singer/songwriter, “Sobrang overwhelmed din ako na naka-two million hits na yung cover ko sa YouTube, nakaka-boost ng confidence and it makes me feel appreciated. Ang mga reactions, may fans, mas maraming strangers na hindi ko kilala. Marami rin reaction videos, kaya nakakatuwa talaga.”

Isa ba si Bruno Mars sa favorite singer mo? “Yes, isa sa fave ko si Bruno Mars,” matipid na sagot pa niya.

Ano ang reaction mo na may tumatawag sa iyo bilang RnB Prince ng Pilipinas?

Sagot ni Kris, “I’m flattered siyempre. JayR passed down the title to me noong naging King siya.”

Inusisa rin namin ang ukol sa kasalukuyan niyang single na Isang numero at kung kailan ang kasunod nito. “Isang numero is doing well… it was #1 on Wave 89.1 and is currently still on the MYX countdown, on its 5th week.

“Iyong release ng next single ko, wala pang target date, pero this month ‘yun.”

ALAM MO NA!- Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …