Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabutihang loob ni Daniel, pinupuri

JUST heard many, many, positive comments from friends inside and out showbiz patungkol sa apo-apohan kong si Daniel Padilla.

Ayan na naman ako. Baka sabihin na naman ng mga basher ko na nagpapaka-feelingera na naman ako when it comes to my closeness sa pamilya nina Daniel Padilla at Queen Mother Karla Estrada.

Paulit-ulit ko lang sinasabi ito na hindi ko sukat akalaing ang batang nakikita kong payatot na nakalagay sa baby crib noon na guwapong-guwapo na ay magiging sikat na actor.

Actually, siya ang nagpatunay sa akin na ang buhay natin sa mundo ay talagang bilog. Meaning, minsan nasa ilalim at minsan naman ay nasa ibabaw.

Sabi pa ng isang nakausap kong kaibigan, kung kailan naman naging matured ni DJ (kung tawagin namin) ay lalo itong nagiging low profile, lalong naging marespeto sa kapwa, lalong naging malambing na lahat .

Saludo ako sa magagandang katangiang ito ng aking apo! Patunay lang na kung ano ang ini-enculcate na disiplina ng isang magulang sa mga anak ay nadadala ito hanggang pagtanda.

Nakatataba ng puso ang ganitong obserbasyon hindi ba Queen Mother Karla Estrada? Grabe! Gusto kong maluha while typing this column. Kaya ang biyaya ni Daniel, sobra, dahil mabuti siyang tao inside and out.

Well, alam kong sa ngayon palang ay inaabangan na rin ang teleserye nila ni Kathryn Bernardo. Ganoon din ang pelikulang sa ngayon palang ay pinag-uusapan na! Gow gow KathNiel!

(DOMINIC REA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …