Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, stylist ni Ronwaldo

KUYA’S boy! Very timid at shy pa rin ang Ronwaldo Martin na humarap sa presscon ng Bhoy Intsik na pinagbibidahan nila ni RS o Raymond Francisco na isa sa limang entries sa idaraos na Sinag Maynila Film Festival simula sa March 9, 2017 sa lahat ng SM Cinemas.

But as the afternoon went on at nakaupo na sa umpukan ng mga press, naging komportable at open na si Ronwaldo na Nognog ang endearment ng kanyang Kuya at pamilya.

Isa sa pangaral ng Kuya niya ay huwag na niyang sundan ang paghuhubad nito sa mga gagawing pelikula. Hindi nga siya pinapayagan ni Coco na sumalang sa mga palabas sa telebisyon para mahasa muna  sa pag-arte.

Ayon sa manager ni Nognog na si Ferdie Lapuz, hands-on without being a stage brother naman si Coco sa kapatid. Gusto lang nitong maging maayos lalo at haharap sa press. Kaya stylist ang peg ni Coco na nagse-send ng pics kay Ferdie at sa kapatid kung ano ang bagay na isusuot nito from head to toe.

Nang matanong na si Nognog kung may panahon bang naligawan siya ng bakla, wala ang sinabi nito. Kaya naikuwento niya na minsan ay nasampal siya ng Kuya niya sa pag-aakalang namamakla (parental guidance please) siya.

Pasaway kasi siya noon at inaabot ng madaling araw sa kalye sa pagba-backride sa mga tricycle sa lugar niya. Minsan, nga ‘yung nasita siya ng Kuya niya at nasagot niya ito kaya nasaktan siya.

Ibang klase magalit ang Kuya niya lalo at disiplina ang punto sa mga kapatid. Pero naiintindihan naman ‘yun ni Nognog kaya nga ganon din kung paano niya tingalain ang Kuya niya.

“Hindi kailangang masamain ‘yon. Wala siyang galit sa mga bading. Marami naman kaming mga kaibigan na bading. That time, nasa ‘Tayong Dalawa’ na siya kaya ayaw niya rin siyempre na malagay kami sa hindi magandang usapan na madadamay siya. Pangangalaga sa pamilya rin naman ang habol niya.”

Naka-anim na pelikula na si Ronwaldo na obvious na inilapit kay FPJ ang ngalan mula sa Ronaldo. Si Coco ang Kuya niya. Na Rodel Nacianceno sa tunay na buhay. At ang screen name ay kinuha sa pinaghalong ngalan nina Coco Lee at Ricky Martin ng mga nag-aalaga sa kanya those time na may concert sa Singapore si Martin at guest si Coco!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …