Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christopher takot sa dugo, Gladys sa anesthesiologist nagpapasaklolo

SA darating na Mayo inaasahan ni Gladys Reyes na isisilang niya ang ikaapat nilang supling ng asawang si Christopher Rojas by caesarean section.

Kuwento ni Gladys sa amin nang magsilbi siyang guest co-host sa Cristy Ferminute noong Miyerkoles ng hapon, “Nabanggit ko nga kay Juday (Judy Ann Santos) na sa May ako manganganak. Sabi niya, ‘O, mukhang magiging ka-birthday ko pa. Kung ganoon, mabait ‘yang magiging baby n’yo,” sabay haplos sa bahagyang maumbok na tiyan ni Gladys.

Biro namin, hindi kaya posible ring maging ka-birthday ng kanilang fourth baby ni Christopher ang kanyang manager, si ‘Nay Lolit Solis? “Ha! Ha! Ha! Puwede rin,” sagot ng mahusay at mabait na aktres.

Samantala, alam n’yo bang sa tatlong panganganak ni Gladys ay wala ni minsan sa kanyang tabi ang asawa?

“Naku, ‘yang asawa ko, takot sa dugo. Eh, ‘di ba, CS nga ako? Kaya sa tatlong panganganak ko, ang hawak-hawak ko, eh, ‘yung anesthesiologist ko. Naloloka nga ang OB-gyne ko, eh. Kasi local anaesthesia naman kaya daldal ako ng daldal habang binibiyak ang tiyan ko. Ha! Ha! Ha!”

Ang mas lalo pang kapana-panabik sa buhay-may-asawa ni Gladys ay ang nalalapit ding pagdiriwang nila ni Christopher ng 25th wedding year ngayong taong ito. “By then, ilang months na rin ‘yung fourth baby namin kaya exciting na kasama namin ni Christopher ang lahat ng aming mga anak,” sabi pa niya.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …