Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala sa plano ni Dos ang kasal

GUWAPO, macho, at may dating, ito si Manuel Quizon II o Boy2 to his fans a.k.a. Dos to his friends. Nasa kanyang early 30’s na siya at nakatatlong seryosong relasyon na pero tila malayo pa sa isip niya ang kasal.

May asawa’t anak na ang mga chick niyang itago natin sa initials na—D, A, at R. Ang barkada at kaedaran niyang si Vandolph ay dalawa na rin ang anak. Plano ba ng kulot na actor na magpakatandang binata?

“Hindi naman, Tita. Gusto ko’y matatag na ang katayuan ko sa buhay bago ako mag-settle down,” sabi ng apo ni Pidol nang makausap namin sa teyping ng Bubble Gang.

Sa totoo lang, nagsimula na nga siyang mag-business. Mayroon na siyang production outfit na kasosyo ang ilang friends. Mayroon din siyang on line trading ng mga imported rubber shoes, shirts atbp..

Hindi niya ipinagsasabi pero alam naming bukod sa kanyang ina na may sakit sa puso’y si Dos din ang nagpapagamot sa kanyang maternal grandma. May pusong ginto at tunay na mapagmahal na anak at apo ang bruho.

Napaka-loyal din niya sa Bubble Gang at pang-18 years na siya rito. Malaki ang respeto niya kina Michael V, Tonio Aquitania, Moymoy Palaboy, at Paolo Contis na tila mga kuya ang tingin niya. Masaya rin siya sa mga nakababatang Bubblers tulad nina Mikael Daez, Sef Cadayona, RJ Padilla, Juancho Trivino, at Jak Roberto.

“Siyempre, inspirasyon namin ang mga seksing nasa cast tulad nina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Kim Domingo, Jackie Rice, Denise Barbacena, Arny Ross at Andrea Torres.”

KUROT LANG – Nene Riego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nene Riego

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …