Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Michael V., matatag kahit sino ang itapat

CONSISTENT na kabilang sa Top 10 Most Followed TV Show sa bansa ang Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento. Ito ang pilit tinutularan pero ‘di mapantayan ng ibang network.

Noong buhay pa ang Hari ng Komedi na si Tito Dolphy ay itanong namin kung ano ang formula niya sa paggawa ng mga long-running sitcom gaya ng John En Marsha at Home Along Da Riles.

“Wala namang set formula. Basta ipinagbibilin ko sa mga writer na bigyan ako ng magandang asawa, isang biyenang ka-kontra pelo ko at ‘di ako matanggap, isang kontrabida at cute na batang magiging anak ko. Kailangan ding may tin-edyer na loveteam,” sey ni King RVQ sa amin.

In short, kompletos rekados ang peg na tunay na pampamilya. At tila ito rin ang peg ng Pepito Manoloto. Mayroong mag-asawang Pepito (Bitoy) at Elsa (Manilyn Reynes), mga anak nilang sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi).

Ang villain ay si Tommy (Ronnie Henares) at dagdag pakuwela ang mga kasambahay na sina Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez), at Robert (Arthur Solinap). Pakuwela ang mga tin-edyer na sina Chito, Nikki (Julie Anne San Jose) at Mikoy Morales.

Sa Sabado’y sina Brylle Mondejar at Michael Flores ang guest. Mga carjackers ang papel nila.

KUROT LANG – Nene Riego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nene Riego

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …