Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, saludo sa kabaitan ni Ara Mina!

NAGKASAMA sa show sa Sibugay, Zamboanga ang singer/comedian na si Mojack at si Ara Mina recently. Ayon kay Mojack, sobrang nag-enjoy siya sa imbitasyon ni Board Member Mec D. Rillera.

Kuwento sa amin ni Mojack, “Inimbita po kami ni Board Member Mec D. Rillera para pasayahin lahat ng officials like Congressmen, Governors and Mayors doon po sa Zamboanga, Sibugay. Sa tulong din ng mag-asawang Lim para iregalo kami sa kanila at mapasaya ang mga kababayan po natin dito sa Mindanao.

“Habang nakasalang ako, nag-brownout po pero tuloy pa rin ako kahit walang mic. Pasigaw ang ginawa ko para marinig ako ng mga tao, kaya lalong nasiyahan at naghiyawan ang mga tao.”

Dagdag pa niya, “Fiesta po rito at ginanap sa City Hall ng Zamboanga, Sibugay… Kasama namin sina Jordan Herrera, Marco Gumabao, JC Tiuseco at si Ms. Ara Mina. Nagpapasalamat ako dahil first time ko rito pero yung alaga at security sa amin, sobrang secured kami at alam nila kung kailan ka puwedeng lumabas at saan dadalhin para sa safety namin ni Ara.

“Kaya we are thankful talaga nang sobra sa mga nag-alagang pulis patrol sa amin at kay Board Member Mec D. Rillera, na siya pa talaga ang sumundo sa amin sa airport, kasama sina Mr. & Mrs. Lim.

Sinabi rin ni Mojack na masayang kasama si Ara dahil sa kabaitan nito. “Hay naku sobrang enjoy po kami dito, sa sobrang enjoy namin dito with Ara, nag-request pa kami na sana makabalik kami ulit at nag-okay naman sila.

“Si Ara Mina naman bilang katrabaho, wala akong masabi sa kanyang kabaitan at nagkahulugan kaagad kami ng loob dahil like niya akong kasama sa work. Also, Ara is a very caring person, kaya masarap talaga siyang kasama.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …