MUKHANG may mabigat na pinagdaraanang problema ang singer na si Jim Paredes. Kahit wala namang ginagawa sa kanya ang grupong Duterte Youth na tahimik na ipinagdiriwang ang ika-31 anibersaryo ng EDSA Revolution, nilusob niya ang hanay nito, at galit na galit na tinalakan ang mga pobreng kabataan.
Dala ang isang streamer, ang mga kabataan ay pinagsisigawan at dinuro-duro ni Jim, at pilit na pinaalis sa People Power Monument na tila ba pag-aari nilang mga dilawan. Hindi pa nakontento, binulyawan niya ang mga kabataan at pinagsabihan na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang siyang responsable sa sunod-sunod na patayan dulot ng kampanya kontra ilegal na droga.
Parang asong ulol si Jim nang mga oras na ‘yon. Nakatikim nang pambabastos, panduduro at pambu-bully ang mga kabataang naroroon para makigunita sa EDSA Revolution.
Nakagugulat ang inasal ni Jim. Mukhang nakalimutan na ni Jim ang mensahe ng kantang “Awit ng Barkada” na mismong inawit ng kanilang grupong APO Hiking Society.
Para kay Jim… “nakasimangot ka na lang palagi/ Parang ikaw lang ang nagmamay-ari/ nang lahat ng sama ng loob/ Pagmumukha mo ay hindi maipinta/ Nakalimutan mo na bang tumawa/ E, sumasayad na ang nguso mo sa lupa/ Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo/Ay isipin na lang ang buhay kung minsan nagbibiro.