Saturday , December 21 2024

Restore rule of law; D-5, Jinggoy at Bong sa city jail ikulong

00 Kalampag percyLUNGKOT at habag ang aking nadama sa mga karaniwang preso na siksikan sa mga karaniwang kulungan nang ipakita ang kuha ng bagong bahay ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima sa VIP custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na ipinatayo ng nakaraang administrasyon ni Ngoyngoy, este, Noynoy Aquino.

Malayong-malayo sa karaniwang kulungan ang kinaroroonan ngayon ni De Lima, ang bagong kapitbahay ng VIP inmates na sina dating senators Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., at Jose ‘Jinggoy’ Estrada.

Bakit iba ang kulungan ni De Lima kaysa kanyang dating driver-lover na si Ronnie Dayan?

Pero ang nakabubuwisit ay may gana pang umarte si De Lima at palabasing siya ay biktima ng ‘double standard of justice’ para itanghal na political detainee ang kanyang sarili kahit maliwanag na malaking krimen sa droga ang kanyang kinakaharap na kaso.

Sa kasalukuyang administrasyon isinisisi ni De Lima ang kanyang mga kasalanan sa batas at sariling krimen kung bakit siya nasa kalaboso ngayon.

Hindi na bago ang reaksiyon ni De Lima para palabasing inaapi, ‘yun din ang mga pinagsasabi nina Bong at Jinggoy noon sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay ng pagbulsa sa pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Pero kung tutuusin ay tama rin naman sina De Lima, Jinggoy at Bong, hindi naman talaga tunay na bilangguan ang custodial center, kompara sa karaniwang kulungan na tulad ng city jail.

Sina GMA at PNoy ang may kasalanan kung bakit ngayon ay may VIP treatment sa mga preso.

Inimbento ni GMA ang hospital at house arrest noon kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, habang si PNoy ang promoter ng custodial center para sa VIP imbes sa karaniwang kulungan sila dalhin.

‘Buti pa sa panahon ni FVR, sa karaniwang selda sa Makati city jail ikinulong si dating congressman Romeo Jalosjos hanggang maibiyahe sa New Bilibid Prison pagkatapos mahatulan sa kasong statutory rape.

Maliwanag na special political accommodation ang pananatili nina De Lima, Bong at Jinggy sa custodial center ng Camp Crame.

Umpisahan po natin ang mga kilos protesta para ipanawagan kay Pang. Rodrigo R. Duterte at sa mga nasa judiciary na ipatupad ang rule of law at ipatigil ang VIP treatment sa pagpapakulong nang may mabibigat na kasong kinakaharap na tulad nina De Lima, Bong at Jinggoy.

Sa ngalan ng rule of law ay hilingin natin kay Pres. Digong at sa judiciary na ipalipat sina De Lima, Bong at Jinggoy sa karaniwang kulungan o city jail.

BAWAL MANIGARILYO
PERO LIBRE KOTONG
AT ILLEGAL TERMINAL

KULANG na lang ay ituring na heinous crime ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at ng kanyang mga garapatang busog sa Konseho kaya nagkasundo sila na magpasa ng mas mabigat na ordinansa laban sa paninigarilyo.

Nakaisip na naman ng pagkakaperahan si Erap dahil sa bagong ordinansa ay doble na rin ang itatakdang multa sa mga pagbibintangan, este, mahuhuling naninigarilyo sa mga ipagbabawal na lugar sa Maynila.

Kaya naman inaapura na raw ng huklubang mandarambong ang kanyang mga alagang tulisan sa pag-amiyenda ng Ordinance 7748 – na mula sa dating P500 at 2-araw na kulong, itataas na raw nila sa halagang P3,000 at 10-araw na pagkakulong ang parusa.

Bakit hindi na lang nila ipagbawal pati ang pagbebenta ng sigarilyo sa Maynila kung talagang nagmamalasakit sila sa kalusugan ng publiko?

Maipaliliwanag ba ng kunwa-kunwariang doctor na si Erap kung paano nagkasakit si Senadora Miriam Defensor Santiago at namatay sa lung cancer kahit hindi naman naninigarilyo?

Aminin man o hindi, legal na pangingikil lang ang target ni Erap at hindi pagmamalasakit sa kapakanan ng publiko ang dahilan.

Katunayan ay maraming ordinansa sa Maynila na sadyang ayaw ipatupad ni Erap dahil makasasagabal sa pangongotong ng City Hall, ilan diyan ang mga inuman ng alak sa kalsada na pader lang ang pagitan sa mga pampublikong lugar tulad ng simabahan at mga paaralan.

May ordinansa rin na ipinagbabawal ang pagtitinda pero sangkaterba ang illegal vendors sa bangketa para sa mga pedestrian na ultimo lansangan para sa mga sasakyan ay okupado na rin dahil pinagkakakitaan.

‘Di ba may mga batas laban sa illegal parking at illegal terminal pero ang masama ay ayaw ipatupad ni Erap?

Walang bawal-bawal, puwede lahat, basta’t may ‘tong’ kahit labag sa batas.

Pagnanakaw lang talaga sa pera ng taongbayan at pangingikil sa mahihirap ang hindi maipagbawal ni Erap.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *