Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana Capri, pang-Cinemalaya ang indie movie na Nabubulok

UNANG pagkakataon na sasabak ang magaling na aktres na si Ana Capri sa prestihiyosong taunang Cinemalaya filmfest. Aminado siyang excited sa proyektong ito, bukod kasi sa matagal siyang nagpahinga sa paggawa ng pelikula, nagandahan siya sa tema sa forthcoming movie nila.

“Oo first time pa lang akong gagawa ng project sa Cinemalaya. Kasi noon hindi ba, hindi naman ako madalas gumawa ng indie films?

“Actually, may mga offer nitong mga ilang buwan na nakalipas, pero nagkataon naman na nasa Australia ako, kaya hindi ko matanguan ang mga iyon. Hindi ko na sasabihin kung anong projects, bale ilang projects din iyon. Sayang din, pero nagkataon lang talaga na hindi ako available,” esplika sa amin ni Ana.

Dagdag pa niya, “Ngayon, dito sa gagawin kong movie, ang title ay Nabubulok (The Decay) and ito’y Cinemalaya 2017 Main competition Finalist. Ang direktor ay si Sonny Calvento at si Armando Lao ang consultant. Kaya masasabi kong bongga ang movie naming ito.”

Nabanggit din ni Ana na after nang mahabang bakasyon, excited na siyang sumabak ulit sa pag-arte sa harap ng camera.

“Yes, I’m excited to be back, act and earn good money,” nakatawang saad niya. “Hopefully I’ll get a good acting piece and deliver well, lalo na siyempre, Cinemalaya entry ito, eh.”

Nabanggit din ni Ana ang pinagkaka-abalahan niya mula nang dumating mula sa pagbabakasyon sa Australia. “Sa ngayon after ng bakasyon ay busy ako sa photoshoot, modelling. Magkakaroon kasi kami ng art exhibit sa April. So, nakatutok din ako sa pagpe-paint. Siguro kailangan kong gumawa ng mga seven paintings pa.”

Solo exhibit na ba ito?

Wika niya, “Hindi pa po solo exhibit ito. Pero puro sikat yung mga kasama ko sa forthcoming exhibit na ito. Like Ronna Manansala, Sir Claude Tayag, Herminigildo Pineda, Norman Tiotuico at ako. Bale five artist lang kami rito, second season ito ng My City My SM My Art sa SM City Clark at and grand launch will be on April 19, 2017.”

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …