Saturday , December 21 2024

Madrigal, Alonte itinuro ni Aguirre sa P100-M bribery try

IBINUNYAG ni Sec. Vitaliano Aguirre II, si dating Sen. Jamby Madrigal ang nag-alok ng P100 mil-yon suhol sa mga high profile inmate, para baliktarin ang kanilang mga testimonya laban kay Sen. Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Kasama rin aniya si incumbent Rep. Len-len Alonte ng Laguna, sa mga nagtangkang suhulan ang ilang high profile inmates, para bawiin ang kanilang testimonya.

Ayon kay Aguirre, ang kamag-anak ni Jamby ang nag-refer kay Alonte para tumawag sa high profile inmates.

Hinimok aniya ng dalawa ang inmates sa detention facility ng Armed Forces of the Phi-lippines (AFP), na baliktarin ang kanilang mga testimonya bago ang ika-31 taon paggunita sa EDSA people power re-volution.

Aniya, ang pagbaliktad ng inmates ay ga-gamitin para makombinsi ang taong bayan u-pang sumama sa isasagawang kilos protesta laban sa Duterte administration.

Kamakalawa, sinabi ni Aguirre, tinangkang suhulan ng isang dating senador ng P100 milyon ang inmates ng Bilibid, para baliktarin ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima.

Ngunit sinabi ng kampo ni Madrigal, sa nga-yon ay nasa Europa ang dating senador.

P100-M BRIBERY
TRY SA NBP
IIMBESTIGAHAN

NAIS paimbestigahan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang sinasabing P100-milyon tangakang panunuhol sa tumestigong high-profile inmates, para bawiin ang kanilang testimonya laban kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Alvarez, kailangan magkaroon ng imbestigasyon sa Kong-reso ang mga ganitong bagay, dahil seryoso ang usapin na may kinalaman sa national security.

Dapat ibilang aniya ang ginawang pagpapabawi o pagpapa-retract kay SPO3 Arthur Lascañas, na nagmukhang Joker, at nga-yon ang ulat na tangkang panunuhol sa walong inmates, para bawiin ang testimonya laban sa da-ting justice secretary.

“Ngayon, makikita natin dito na may laro pa rin ang dating administrasyon. Unang-una, involved nga rin daw sa allegations si Congresswoman Len Alonte- Naguiat, ito ay relative noong dating PAGCOR chairman yata. So alamin natin iyan, kasi malaki ang pera na naglalaro rito, talagang ginagastahan nila ito just to… ‘yung i-destablize ang gobyerno natin,” pahayag ni Alvarez sa DzMM.

Una nang itinanggi ni Biñan, Laguna Rep. Marlyn Alonte-Naguiat, ang alegasyon na kasama siya sa nag-alok ng P100-mil-yong suhol sa mga tumestigong high-profile inmates, para bawiin ang kanilang naging testimonya laban kay De Lima.

Sinabi ni Alonte-Naguiat, nagulat siya sa alegasyon, at nagtataka kung paano nasangkot ang pangalan sa usapin.

Ayon sa mambabatas, wala siyang kilala sa sino man sa mga inmates na tumestigo sa pagdinig ng House Justice Committee, kaugnay sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

(JETHRO SINOCRUZ)

5 HIGH-PROFILE
CONVICTS
DINALA SA NBI

LIMANG high profile convicts na nakapiit sa Camp Aguinaldo, ang dinala sa National Bureau of Investigation nitong Huwebers ng gabi, kasu-nod ng mga ulat na sila ay inalok ng P100 milyon para baliktarin ang kanilang salaysay laban kay Senator Leila de Lima, kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Pri-son.

Kabilang sa dinala sa NBI ay sina Herbert Colanggo, Rodolfo Magleo, Engelberto Durano, Edgar Cinco at Clarence Dongail.

Wala pang inilalabas na detalye ang NBI kaugnay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *