AMINADO si Toni Gonzaga na after three years ay muli silang magkakatrabaho ni Piolo Pascual. Ito ay kasunod ng kanyang pahayag na muli silang magsasama para sa isang pelikula mula Star Cinema.
“This project actually came out of nowhere. I was supposed to do a different movie and then all of a sudden, everything fell accordingly. Nangyari lahat ‘yung mga schedule namin, the script is so beautiful, it’s something that I wouldn’t want to miss,” giit ng aktres.
Hindi maikompara ni Toni ang bagong proyekto nila ni Piolo sa rati nilang pelikulang Starting Over Again dahil magkaiba ng genre.
“Sobrang iba. Actually hindi mo siya puwedeng paglapitin. Magkaibang genre. Hindi ko siya mae-elaborate lahat pero I’ve never been this excited to go back to doing movies noong nabasa ko yung script,” dagdag pa ni Toni.