Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, dream come true na makasama sa concert si Regine Velasquez

IPINAHAYAG ng Prince of Ballad na si Gerald Santos ang kanyang sobrang kagalakan nang finally ay pumayag ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na maging special guest sa concert niya sa SM Skydome sa April 9, na pinamagatang Something New In My Life.

“I’m very thankful to her na, mga two weeks or three weeks lang na talagang constant communication with her, na, ‘Ate Reg baka naman po makakalambing na ako sa iyo this time?’ Kaya po nang pumayag si Ate Reg, sobrang saya ko, sobrang dream come true po ito!” Pahayag ni Gerald.

Dagdag pa ng singer, “Kasi siyempre, hindi naman po lingid sa kaalaman ng marami, sa show niya po ako nagsimula. Kumbaga, isa po ako sa mga anak-anakan niya, like Rachelle Ann Go and Sarah Geronimo.

“Si Ate Reg ang host ng Pinoy Pop Superstar, kaya isa siya sa talagang nakakita sa pag-grow ko as an artist. Talagang nakita niya noon kung paano ako nagsimula during the competition, hanggang sa manalo na. Tapos ay nagkasama po kami sa SOP and Party Pilipinas for how many years.

“So, it’s a big deal for me na mai-guest ko siya. Dahil parang anointment din po yun ng kanyang anak dito sa concert stage. Parang pag-legitimize rin po iyon sa akin bilang concert performer and as a singer dito sa industry.”

Sinabi rin ni Gerald kung ano ang kanyang napi-feel sa forthcoming concert niya. “Very excited po ako sa concert ko sa Skydome, marami po silang dapat abangan dito. Bukod kay Ate Regine, nandoon ang UP Concert Chorus at may surprise guest din. It would be directed by Direk Frannie Zamora, musical direction is by Jason Cabato at mula ito sa concept at panulat ni Direk Rommel ‘Cocoy’ Ramilo.”

Nabanggit pa ni Gerald na may malaking koneksiyon ang titulo ng kanyang concert na Something New In My Life sa mga magaganap sa kanyang career ngayong taon.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …