Friday , November 15 2024

Lifestyle check sa bigtime BFP – FSI

NABUHAY ang isyu hinggil sa scalawag cops matapos sumabog ang pagdukot, pagpatay at pagpapatubos (ransom money) kay Korean national Jee Ick Joo na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Lalong ikinagalit ni Pangulong Duterte sa naganap na krimen ang ginawang pagsasamantala ng ilang pulis sa Oplan Tokhang — ang giyera laban sa ilegal na droga.

Bukod ‘yan, sa pagpaslang sa dayuhang negosyante na ginawa sa loob ng Kampo Crame.

Sa krimen, partikular  na isinangkot sa kaso ay si SPO3 Ricky Sta. Isabel at si Supt. Rafael Dumlao. Kapwa pinabulaanan ng dalawa ang akusasyon laban sa kanila.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa insidente, nalihis nang kaunti ang isyu hinggil sa kuwestiyonableng yaman ni Sta. Isabel. Ubod nang yaman ang mama sa kabila na P8,000 ang take home niya kada buwan bilang pulis.

Umaabot sa P18 milyon ang asset ni Sta. Isabel pero siyemore ipinagtanggol niya ang pagdududa sa kanyang yaman. Aniya, naipundar daw nila ang lahat dahil sa sipag ng kanyang misis. Magaling daw magpatakbo ng negosyo. Iyon nga lang, tila hindi naniniwala ang mga senador.

Hayun, dahil nabuking ang kuwestiyonableng yaman ni Sta. Isabel, maraming pulis ang nagkasabit-sabit o ‘di kaya, nabuhay uli ang isyung scalawag cops.

Katunayan, kamakailan ay may mahigit 300 scalawag cops ang ‘isinuko’ sa Palasyo, kay Pangulong Digong. Galit na galit silang hinarap ng Pangulo – pinagmumura at saka ipinatatapon sa Basilan.

Kamakalawa, nauna nang ipinadala sa Basilan ang 53 pulis mula sa 300 scalawags daw.

Alam naman natin kapag sinabing scalawag, sangkot sa kung ano-anong krimen o kalokohan na ginagamit ang kanilang pagkapulis. May mga yumaman sa pagkapulis.

Pero, ilan o karamihan naman sa 300 plus sinasabing scalawag ay nagsiangal dahil hindi naman sila sangkot sa pangongotong kundi ang kaso nila ay tardiness o niresbakan para kasuhan ng kanilang mga inaresto.

Ano pa man, PNP lang ba ang dapat pag-tuunan ng pansin hinggil sa scalawag? Paano ang mayayamang opisyal at fire inspector ng Bureau of Fire Protection (BFP)?

Ayon sa ating insider, napakaraming biglang yumaman na fire inspector. Ha! Bakit? Paano nangyari iyon? May pera ba sa mga nasusunog na bahay o gusali? Wala! Oo, walang pera sa apoy o sa sunog kundi naroon sa ‘armas’ ng mga fire safety inspector  na inspection order (IO). Libo-libong salapi o aabot din nang daang libo ang ‘nakatago’ sa IO.

IO ito iyong armas ng isang inspector  sa pagsalakay para inspeksiyonin ang isang establisiyemento. Sa pamamagitan ng IO, nagkakapera ang nakararaming inspector dito sa paraan na kung ano-anong violation ang ipa-pataw nila sa establisiyemento.

Bukod dito, malaki rin ang kitaan ng mga scalawag na inspector sa pag-iisyu ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC). Sa FSIC, malakihan ang kitaan, lalo ang mga gusaling walang sprinkler.

Katunayan, ayon sa ating insider mula QC-BFP, maraming FSI na ubod na nang yaman dito. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo kundi marami-rami sila. Mayroon mga biglang nagkakaroon ng magagarang sasakyan, hindi lang isang bagong sasakyan kundi dalawa hanggang tatlo. Mayroon mga nakapundar ng negosyo. Mayroon pang nagpapautang ng “5-6.” Ang mga anak ay pumapasok sa mga mamahaling exclusive school.

‘Ika nga ng insider natin, hindi na raw nagkakalayo ang karamihan sa inspector sa kuwestiyonableng yaman ni Sta. Isabel.

Mayrooon pang mga inspector na pumasok sa negosyong fire extinguisher na kung susuriin ay ipinagbabawal ito batay sa civil service commission code “conflict of interest.” Ang estilong ginagawa ng ilang inspector ay kumuha sila ng dummy para sa negosyong fire extinguisher.

Bansag nga sa mga inspector sa QC-BFP ay “bigtime fire safety inspector.” Ang tanong, saan kaya galing ang yaman ng mga bigtime inspector. Well, para mabuko kung saan nanggaling, nararapat ding isalang sa lifestyle check ang mga inspector para magkaalaman kung saan galing ang kanilang yaman.

Sino ba ang mga bigtime inspector sa QC-BFP na paboritong hawakan ang malalaking establisiyemento o gusali sa Quezon City?

Gusto mo bang malaman Supt. Manuel Manuel? Abangan!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *