Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina Legaspi, thankful sa pagiging bahagi ng A Love To Last

MASAYA si Katrina Legaspi na naging parte siya ng isa sa pinakakikiligang TV series nga-yon sa ABS CBN, ang A Love To Last na tinatampukan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

“I’m very happy and blessed. Thankful po ako sa kanila dahil naaalala pa rin nila ako at grateful na nabibigyan po ako ng projects. They believed in my talent and I’m looking forward to more projects in ABS-CBN,” saad sa amin ni Katrina na kilala noong child actress pa lang siya bilang Hopia.

Sinabi rin ng Kapamilya aktres ang role niya sa A Love To Last.

“Ako si Kat, nerdy and conservative na bestfriend ni Chloe (Julia Barretto) at isa ako sa mga nagbibigay ng positivity sa buhay niya. Ako iyong nagpu-push sa kanya para huwag mawawalan ng pag-asa. Bale ako iyong tipo ng friend na masaya ako kapag masaya siya, kapag masaya iyong friend ko.”

Aminado rin si Katrina na kabilang siya sa mga kinikilig sa tambalang Bea at Ian.

“Yes! Kinikilig ako sa kanila, sinusubaybayan ko ang A Love To Last kahit kasali ako o hindi sa show.”

Masasabi mo ba na perfect ang chemistry nilang dalawa?

Nakangiting tugon niya, “Yes ang ganda ng chemistry nila at ang ganda rin talaga ng istorya. Sobrang ipinakita na gustong-gusto ni Anton (Ian) si Andeng (Bea). At nanliligaw pa rin siya, para siyang teenager. Maraming aabangan sa serye naming ito, kasi ngayon nakabalik na si Grace (Iza), wife ni Anton.”

Ano ang masasabi mo kay Julia Barretto? “Masarap maka-work si Julia. She’s funny in her own way. Very professional and focus siya. And talagang alam niya ‘yung ginagawa niya, ‘yung role niya. Bagay talaga sa kanya ‘yung role. She always gives inputs to Direk and me.”

Naka-eksena mo na ba sina Ian at Bea? Ano ang masasabi mo sa pagtanggap ng audience sa show ninyo?

“Hindi ko pa sila nakaka-eksena dahil mada-las na nasa school lang ang eksena ko. Never ko pa naka-eksena ang isa man sa kanila and siguro kakabahan ako sa una. Siyempre medyo mahihiya rin, pero magiging exciting iyon para sa akin.

“Sa next queston, nakakatuwa na maganda ang pagtanggap ng viewers sa TV series namin, sana magkaroon ito ng season-2 at tumagal pa lalo ang show.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …