Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arenas sa bantang pagre-resign ni Mocha — Sana hindi na lang umabot sa ganoon

SINAGOT na ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas ang mga tinalakay ng isa sa kanyang board member na si Mocha Uson sa kanyang video blog.

Ang pagsagot ni Arenas ay mula sa panayam ng programang Showbiz Talk Ganern nina Gorgy Rula at Morly Alinio sa dzRH na nalathala naman sa Pep.ph na isinulat ni Nerisa Almo.

Ayon kay Arenas, ni-review na ng kanilang mga miyembro ang episodes ng Ipaglaban Mo at The Better Half na inirereklamo at napagdesisyonang pag-usapan ang isyung binanggit ni Mocha.

Dumadaan muna, ani Arenas, sa komite ang mga reklamo para mapag-usapan. “We act on it po right away kasi mayroon naman po kaming tinatawag na adjudication committee.

Hindi rin napag-usapan sa nakaraang board meeting ang isyu dahil hindi nakadalo si Mocha. “Noong nakaraan pong board meeting… hindi po na-bring up ‘yan noong meeting last Wednesday. Wala rin po si BM Uson noong panahon na ‘yun.”

Ukol naman sa sinabing hindi dumaan sa review ang episode ng weekly docu-drama na Ipaglaban Mo sinabi ni Arenas, “Tiningnan ho nila based on the complaint.

“That’s why mayroon pong observations yung nag-review na parang hindi rin nila nagustuhan kaya dadalhin sa adjudication committee.

“’Yun pong sa The Better Half, na-review po yun and we’re going to do a conference with them.”

Sa akusasyon naman ni Mocha na akusasyon ni Mocha na inaabuso ng TV networks ang paggamit ng Strong Parental Guidance (SPG) rating, sinabi ng Chairman na, “’Yung SPG po na sinasabi, that was implemented 2011.

“It’s really to educate the viewers. Hindi naman po tayo nagse-censor. We classify and we rate.”

Iginiit pa ni Arenas na open sa pagbabago ang MTRCB board members.

“Wala akong kilala sa kanila personally. Pero sa pagkakilala ko sa kanila, halos dalawang linggo pa lang po ako riyan, open naman po sila sa mga suggestion.”

Sa bantang pagre-resign naman ni Mocha, ito lang ang nasabi ni Arenas.

“Actually, siyempre, kung sino po ang nag-appoint sa amin, siya rin po ang tatanggap (ng resignation).

“Sa akin na lang, sana hindi na lang umabot sa ganoon.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …