Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apo Whang-Od, idolo at fan ni Coco Martin

NAKATUTUWA ang larawang nakuha namin na ipinadala ng isang kaibigan. Iyon ay ang larawan ni Apo Whang-Od na nakasuot ng T-shirt na may mukha ni Coco Martin.

Napag-alaman naming idolo ng living legend at natitirang mambabatok (traditional Kalinga tattooist) ang actor. Katunayan, hindi ito natutulog o bumibitaw sa panonood ng FPJ’s Ang Probinsyano hangga’t hindi natatapos ang teleserye.

Si Apo Whang-od ay mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga at siya na lamang ang natitirang nagta-tattoo gamit ang tinik ng puno ng pine at abo mula sa uling o kahoy na pinaglutuan niya.

Madalas nang nagkakasakit si Whang-od ayon na rin sa Maoy Mountaineers (Mountaineers Our Yield) na nagkaroon ng medical mission sa lugar ng magaling na mambabatok noong February 18.

Matagal na pa lang hiniling ni Apo Whang-od na makita si Coco na agad namang tinugunan ng actor. Hindi pa nga lang sila personal na nagkikita pero kinausap na ito at nagpadala na ng regalo ang aktor.

Sa pakikipag-usap namin sa manager ni Coco sa pamamagitan ng Facebook Messenger, sinabi sa amin ni Biboy Arboleda, last year pa may komunikasyon sina Coco at Wang-od.

“Hindi pa lang sila nagkikita dahil sa rami ng schedule ni Coco, hindi pa siya makaakyat doon. And Lola is too old to travel going to Manila. Coco sent her his video message and gifts. . And she sent Coco a balisong gift,” ani Mother Bibs (tawag kay Biboy).

“Last year pa si Coco nag-start ng relationship with Lola, late na lang masabi ýung iba,” paliwanag pa ng manager ng actor.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …